top of page
Search
  • BULGAR

Ingatan daw ang health ng labs… RAYVER KAY JULIE ANNE: AKO ANG NAHIHIRAPAN ‘PAG MAY SAKIT KA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 13, 2024



Showbiz Photo
File photo: Julie Anne at Rayver

Pinakilig ng JulieVer (Julie Anne at Rayver) ang kanilang mga fans dahil sa nakaka-touch na birthday message ni Rayver Cruz para sa girlfriend na si Julie Anne San Jose.


May 17 pa ang kaarawan ng Asia’s Limitless Star pero kahapon, May 12, ay nagkaroon na siya ng birthday production sa All-Out Sundays.


Nahingan ng birthday wish si Rayver para sa girlfriend at ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ng aktor sa aktres sa kanyang mga sinabi.


“Wish ko lang for you is good health. Alagaan mo 'yung health mo. Ako 'yung nahihirapan 'pag nagkakasakit ka,” sey ng aktor.


Ayon pa kay Rayver ay isang malaking blessing sa kanya si Julie Anne at napakasuwerte raw niya na nagustuhan siya ng girlfriend.


“Sobrang blessed naming lahat to witness an artist like you. For me, ikaw ang pinakamagaling. Ikaw lang ang makakagawa niyan and sobrang suwerte ko na nagustuhan mo,” saad ng aktor.


“Excited na ako na marami pa tayong magawa, nandito lang ako para mahalin ka habambuhay. Happy birthday, my love. I love you,” mensahe pa ng aktor.


Sinagot naman ito ni Julie Anne. Mensahe niya sa boyfriend, “To my love, Ray, I love you so much. You always make me happy everyday and always, so I love you. I am proud of you too.”

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page