top of page

Indonesian Police, kakastiguhin sa mga nasawi sa soccer riot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 6, 2022
  • 1 min read

ni MC - @Sports | October 6, 2022



ree

Nasa hot seat ngayon ang Indonesia National Police dahil sila ang pangunahing nagsimula ng malubhang trahedya ng stampede sa pagtatapos ng laro ng football sa East Java province noong Sabado kung saan ang paghahagis ang mga awtoridad ng tear gas para i-disperse ang mga tao ay bawal sa international governing body ng soccer-FIFA.


Kitang-kita sa video footage na na-upload sa social media ng mga saksi sa loob ng Kanjuruhan stadium sa siyudad ng Malang na naghagis ng tear gas ang mga pulis sa maraming tao sa stands at sa mga fans na nagra-riot sa loob ng pitch nang matalo ang local soccer club na Arema FC mula sa karibal na Persebaya Surabaya.


Libu-libong bystanders ang naapektuhan ang mga mata at lalamunan mula sa nalanghap na gas kaya nag-unahan ang mga ito sa pagtakbo sa exits at doon nagsimula ang malagim na stampede. Nakita rin sa footage na nakasusi ang mga exits kaya nag-panic at puwersahang binubuksan ito ng marami.


Sa labas ng stadium galit na galit ang maraming supporters kaya sinunog ang ilang patrol car. Naiulat na may aktuwal na 125 katao ang nasawi at ayon sa pulisya rito ay hindi 174 na unang naireport dahil nadoble ang bilang kasama na ang mga kababaihan, bata at 2 pulis.


May 21 ang malubhang nasugatan habang 300 ang dumanas ng minor injuries.


Ang Kanjuruhan incident ay ikatlo na sa pinakamalagim na trahedya sa world soccer history. Noong 1964, may 328 katao ang nasawi sa labanan ng Peru at Argentina sa Estadio Nacional. Habang sa Ghana, may 126 katao ang namatay sa isa pang stadium stampede noong 2001.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page