Indefinite Suspension kay Amores; JRU, dapat agad ding umaksiyon
ni Gerard Arce - @Sports | November 10, 2022

Pinatawan na ng indefinite suspension si JRU Heavy Bombers player John Amores, ito ang anunsiyo ni Fr. Vic Calvo OP ng NCAA Management Committee (ManCom) representative ng Colegio de San Juan de Letran kahapon.
Ayon sa ManCom statement na binasa ni Calvo, suspendido si Amores dahil sa panunulak at pagduro sa referee, binastos ang ManCom representative, maging ang court officials, panunugod sa bench CSB, nagsimula ng gulo, naghahamon ng away at nanuntok ng 4 na Benilde players.
Haharap naman sa dalawang larong suspensyon sina Mark Sangco at Chris Flores mula sa CSB matapos masangkot sa banatan, habang sina William Sy Jr at Ryan Arenal naman ay nambastos din ng ManCom representatives habang sila ay inaawat.” “Violence has no place in the NCAA. The ManCom condemns, and will not tolerate, any acts of violence that will endanger our athletes, participants, officials, supporters and the public. The safety of everyone is our primordial concern,” ayon pa sa statement.

Mayroon ding kakaharaping legal na kaso si Amores mula naman sa panig ng UP Fighting Maroons men’s basketball team kasunod ng pananapak nito kay mark Belmonte noong Hulyo 26 sa UCBL preseason tournament na nagresulta sa gum fracture, teeth dislocation at mouth lacerations na kinailangang operahan.
Maiiwasan sana ang pananakit ni Amores kung agarang inaksyunan ng JRU Administration at coaching staff ang naunang kasong kinasangkutan ng tulirong manlalaro laban sa isa pang player ng UP Maroons noong preseason.

Inilahad ni NoWhereToGoButUP chairman Renan Dalisay sa FB post na kung naging mabilis lang ang tugon ng JRU Administration at coaching staff at dinisiplina ang bad attitude ni Amores laban sa 18-anyos na si Mark Belmonte sa JRU vs. UP sa preseason tournament sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL), maiiwasang maulit ang pananakit nito sa NCAA men's basketball. “After the punching incident involving UP’s very young recruit Belmonte, the UPMBT Management decided to take action to avoid future incidents from happening,” ani Dalisay sa Facebook post nitong Martes ng gabi.
Nagka-black eye si Pasturan, nahilo si Davis sa natamong suntok sa panga at naospital para ma-check-up.





Comments