Inday Sara, puro kiyeme kung tatakbong pangulo sa 2022
ni Ka Ambo - @Bistado | July 06, 2021
Sa Oktubre pa raw magdedesisyon si Inday Sara kung kakandidato siyang pangulo sa 2022.
Pakiyeme pa!
◘◘◘
UMABOT sa 50 sundalo ang namatay sa pagbagsak ng C-130s Hercules military cargo plane ng Philippine Air Force.
Sila ang “PAF 50”!
◘◘◘
NAG-EMERGENCY landing ang eroplano na sinasakyan ni Sen. Manny Pacquiao patungong U.S. dahil sa medical emergency.
Hindi si Pacquiao ay “may sakit”, kundi ibang pasahero!
◘◘◘
NASA U.S. na si Pacquiao.
Makahihinga na nang maluwag si P-Digong!
◘◘◘
DAPAT ipagbawal ang pagbili ng refurbished o reconditioned aircraft — pang-military man o pang sibilyan.
Korupsiyon din mismo ang ugat niyan!
◘◘◘
NAGPA-OPERA ng bituka si Pope Francis.
Ligtas na siya.
Amen!
◘◘◘
DUMARAMI raw ang mga tinedyer na nabubuntis.
Huh, mas mabahala kayo ‘pag dumami ang mga lola na nabubuntis!
◘◘◘
NAUUSO na naman ang trangkaso, ubo at sipon.
Ililista na naman ‘yan bilang COVID.
Ayayay!
◘◘◘
DIRETSO lang ang pagsasarado ng mga negosyo.
Ngayon lang sila namumulat na wala nang datung ang mga konsiyumer at kliyente!
◘◘◘
SI Gat. Marcelo del Pilar ng Bulacan daw ang tunay na mastermind ng Katipunan.
Ngayon lang ninyo nalaman?
◘◘◘
NATAHIMIK na ang away ng U.S. at China sa West Philippine Sea.
Ayusin natin nang bahagya: Natahimik ang media, hindi ang away!
◘◘◘
HABANG napipilas ang dahon ng kalendaryo, unti-unting numinipis ang poder ni P-Digong.
Hindi na siya makatulog hangga’t hindi malinaw kung sino ang papalit sa kanya!
◘◘◘
AYON mismo sa Bangko Sentral, sa Disyembre, 2022 pa makababalik sa pre-pandemic period.
Imposible.
Excuse, hindi naibabalik ang nakaraan!





Comments