top of page

Inayawan na lang daw niya… RICCI: PINUPUNTAHAN AKO NI ANDREA NANG MADALING-ARAW PARA MAKIPAGBALIKAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 27, 2023
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | October 27, 2023



Sa kanilang online program na Marites University, nabanggit ng isa sa mga co-anchors ng programa na si DJ Jhai-Ho na ang dahilan ng breakup nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ay third party.


Lumalabas na ang pag-i-split ng dalawa ay dahil kay Los Banos, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.


Sa kanyang mensahe ay nilinaw ni Ricci na hindi 3rd party ang girlfriend niyang si Leren.


"Du'n lang tayo sa totoo. Hindi 3rd party si Leren, alam nila 'yan. Huwag silang pa-click bait para makuha ang simpatya ng tao at sirain kami. Nagmu-move on kami nang maayos nang walang nasasaktan dahil hindi na ako papayag na may madamay pang iba para lang sa good publicity nila."


Ipinaliwanag din ni Ricci kung bakit niya sinagot ang tweet ng kaibigan ni Andrea na si Bea Borres.


"Jhai, never akong pumatol sa kanila kahit sa lahat ng pagpaparinig nila. We all know who she's pertaining to sa mga tweets niya from the very start. Nag-reply ako kasi sumosobra na sila and meron naman talaga akong alam sa kanila pareho pero hindi ako nagsasalita kasi hindi ako 'yung tao para manira. You all know me from the beginning."

Sinabi rin ni Ricci na noong May 6 ay sinabi ni Andrea na wala na sila at May 26 nang magkakilala sila ni Leren kaya naniniwala siya na walang overlap na nangyari.


"Nakilala ko si Leren, May 26. And alam nilang mag-bestfriend na wala na kami that time. We broke up a couple of times na early this year kaya magulo na talaga. Nakikipagbalikan siya and nu'ng last time na May 6, sinabi niya na wala na, end na because of the girl na alam naman niya na kasama ng friend ko 'yun na pumunta doon, so paanong overlap doon, Jhai?"


Naibahagi rin ni Ricci na pumunta si Andrea sa kanyang condo para umano makipagbalikan.


"Hindi naman ako nagsasalita nu'ng may mga nakakasama at kausap din silang iba sa bars.

Pumupunta siya ng condo ko nang madaling-araw ilang beses for what? Para makipagbalikan. Nag-yes ba ako? Hindi, kasi ayoko na and sinabi ko 'yan sa kanya paulit-ulit, so I am the bad person here for not publicly telling everyone that I am single. She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya, tapos nu'ng hindi ako pumayag makipagbalikan, sisiraan na ako bigla." mahabang paglilinaw ng Unibersidad ng Pilipinas basketball star.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page