Inatake sa baha... 60-anyos, dedo sa loob sa sasakyan
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Jeff Tumbado @News | August 30, 2026

Photo: Hapon nang makita ang biktima sa loob ng kanyang MPV at wala na itong buhay nang suriin ng rescue and medical team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Isang 60-anyos na lalaki ang nasawi habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa kasagsagan ng pagragasa ng tubig-baha sa Olongapo City, kahapon.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-2 ng hapon nang makita ang biktima sa loob ng kanyang MPV at wala na itong buhay nang suriin ng rescue and medical team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sinasabing bago ang pangyayari ay huli siyang nakitang nag-park sa gilid ng kalsada sa Otero Ave., Brgy. Mabayuan habang rumaragasa ang tubig-baha sa lugar.
Maya-maya pa ay biglang tumaas ang baha hanggang sa dibdib at lumakas ang daloy ng tubig.
Wala namang nakapansin sa kanya na mga residente at mga taong malapit sa kanyang lokasyon na nanghihingi ng saklolo.
Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na inatake sa puso ang biktima, na kung saan pinasok ng baha ang kanyang sasakyan at hindi na nagawang iligtas ang sarili.





Comments