Inalok ni Kuya Wil… LUIS, BABU SA DOS, PASOK SA AMBS NETWORK
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 6, 2022

May isang showbiz insider ang nakapagbulong sa amin na nag-expire na pala ang kontrata ng TV host na si Luis Manzano sa ABS-CBN last July 31. Kaya kung hindi nabago ang mga plano, hindi na magre-renew si Luis ng kontrata.
We also heard na inalok ni Kuya Wil or Willie Revillame — for you guys — itong si Luis na maging bahagi na ng bagong bubuksang TV network ni Sen. Manny Villar na AMBS Network.
Kaya lang, dahil may kontrata pa nga si Luis that time ay hindi pa ito nakasagot kay Kuya Wil.
Naintindihan naman 'yun ni Willie dahil ayaw din niyang lumabas na sinusulot niya sa ABS-CBN si Luis at maging ang iba pang Kapamilya talents, kaya hinayaan muna niyang matapos ang kontrata nito.
But ngayong tapos na nga ang network contract ni Luis sa ABS-CBN, wala nang problema sakaling pumirma na siya ng kontrata sa AMBS Network at hindi na kami magugulat kung natuloy man ang scheduled meeting ng mister ni Jessy Mendiola sa mga taga-AMBS para sa show na iho-host nito.
At siyempre, kung lilipat na nga si Luis sa AMBS, hindi kaya kasunod na rin niya ang misis na si Jessy Mendiola?
Well, kung hindi kami nagkakamali, ninong sa kasal nina Luis at Jessy si Kuya Wil kaya mukhang mahirap pahindian o tanggihan ang alok ng Wowowin host, ha?
At take note, chika ng aming source, marami pang Kapamilya stars ang nagpaparamdam na mag-ober da bakod sa bagong bubuksang network ni former Sen. Villar, kaya abang-abang sa mga next update ni Ateng Janiz, okidok?!





Comments