top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Inalok daw pumalit na host sa EB! WILLIE, LOYAL KAY VILLAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 5, 2023



Marami ang labis na manghihinayang kung sakaling matutuloy ang pagbubuwag sa Eat Bulaga!.

Walang nag-akalang magkakaproblema ang longest-running noontime show na mahigit apat na dekada na sa telebisyon.

Kapag tinanggal umano si Tony Tuviera bilang executive producer ay aalis na raw sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon, pati na rin sina Paolo Ballesteros at Ryan Agoncillo.

Ang nais lang daw ng main producer ng EB! na si Romeo Jalosjos, Jr. na ma-retain sa show ay sina Allan K., Jose Manalo at Wally Bayola.

Ang tanong ay magpapaiwan ba sina Manalo, Bayola at Allan K. kung sakaling magkaroon nga ng revamp?

Usap-usapan din na kinausap na ni Mr. Jalosjos si Willie Revillame upang alukin na maging main host ng EB!.

Kaabang-abang naman kung tatanggapin nga ba ni Kuya Wil ang offer ng EB! produ, lalo na’t alam ng lahat na committed si Revillame sa AllTV ni Senator Manny Villar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page