Inalalayan pa papasok ng car… MARIS, MAY KASAMANG AFAM SA AIRPORT
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 13, 2026

Photo: FB Maris Racal
Spotted si Maris Racal na dumating sa Ninoy Aquino International Airport mula sa Tawi-Tawi. Galing ang aktres sa shoot ng aksyon-serye nilang Incognito 2 sa may Mindanao area.
Solo lang si Maris among the cast na makikita sa picture na naka-post online habang papasok sa kotse paglabas ng airport.
Hindi niya kasama na umalis ang naugnay sa kanya at kasama rin niya sa cast na si Anthony Jennings. Although, may mga larawan din ang ibang aktor/aktres ng Incognito na lumabas online na kasabay ni Maris na dumating sa airport, gaya ng magkasintahang Daniel Padilla at Kaila Estrada, at sina Anthony Jennings at Ian Veneracion.
Pero may lalaking mukhang foreigner ang umalalay kay Maris papasok ng sasakyan.
Hindi artista rito ang hitsura ng guy. Kaya hindi pa namin knows kung sino ‘yun na kasama ni Maris sa airport.
Kamakailan ay may nakakaintrigang post si Maris sa kanyang social media. Marami ang nakapansin na may AFAM na siyang kasama. At duda ng mga netizens, iyon na ang bagong karelasyon niya.
Well, sooner or later naman, tiyak na ire-reveal ‘yan ni Maris. Wait lang.
Kahit mahal ang tiket, box office hit…
DIREK JOEY: PELIKULANG PILIPINO, NAGHIHIKAHOS DAHIL SA SPIDERMAN
MAHIGIT bilyong piso na ang kinita ng Spider-Man: Brand New Day (SBND) sa takilya na pinagbibidahan ni Tom Holland.
Ang latest total figure na kinita nito sa takilya ay P1,055,450,903B sa ikalawang linggo nito sa mga sinehan.
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nanonood sa pelikula ni Tom sa kabila ng masamang panahon na nararanasan sa bansa. Opening day pa lang kasi ng SBND ay kumita na agad ng P95.9 million.
Siyempre, wish ng mga taga-industriya na sana, hindi man pumantay ay kahit paano, marami ang manood sa mga sinehan ng local films.
Pero ‘yun na nga, sadsad pa rin ang local films sa mga sinehan kahit anong pursige ng taga-‘rah-rah’ (support) ng local movies sa bansa.
Mismong ang direktor na si Joey Reyes ay inaming naghihikahos ang local movie industry.
Talak ni Direk Joey, “Ang pelikulang Pilipino ay naghihikahos, okay. At bakit naghihikahos ang pelikulang Pilipino?
“Dahil almost P800M ang kinita ng Spiderman. At almost P500M ang kinita ng l.’
“Ito ay sa aking pakiwari lang, ha? ‘Di ang presyo ng ticket ang problema. Ang problema ay ang attitude ng Pilipino sa pelikulang Pilipino.”
Handa raw gumastos ang mga tao sa malalaking banyagang palabas, kaya’t hindi sapat na dahilan ang mahal na tiket sa sinehan.
Kaya hamon niya sa mga filmmakers at producer na itaas ang kalidad ng kuwento at iwasan ang pagiging kampante o paulit-ulit na lang sa mga pormula.
Oh, well!





Comments