top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Inakusahang bigay ng bading… DOMINIC, LUMAYAS NA SA CONDO NI MAYOR BULLET

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 25, 2024





Balitang iniwanan na ni Dominic Roque ang inuupahan niyang condo na pag-aari ni Bullet Jalosjos. 


Nu’ng unang lumabas ang tsismis sa condo, sinasabing regalo raw ito kay Dominic ng isang gay benefactor. Pero, hindi nakalagay sa kanyang pangalan ang nasabing condo. 


Nilinaw na ito ni Dominic upang matigil na ang pagkalat ng mali-maling balita. Ang totoo, nirerentahan lang daw ng aktor ang condo kay Bullet Jalosjos dahil nakatengga lang naman. Matagal na silang magkaibigan at magkatropa ni Bullet kaya pumayag itong rentahan niya ang condo nito.


Ginagawa rin daw itong opisina ni Dominic sa kanyang negosyo. At hindi nila akalain na kung anu-anong tsismis at isyu ang lumulutang sa nasabing condo. 


Kaya, minarapat na lang ni Dominic na iwanan ang dating tinitirhan. 


Pati ang pagiging endorser ni Dominic ng isang gasolinahan na pag-aari ni QC Councilor Bong Suntay ay ginawan pa rin ng istorya ng mga Marites. Regalo raw ang gasolinahan kay Dominic ng isang rich benefactor. 


Nakakawindang ang mga kaganapan sa buhay ni Dominic Roque dahil lang sa breakup nila ni Bea Alonzo. Naiskandalo ang dati niyang tahimik na buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page