Inabutan ng birthday… VICE, NANLIBRE NA SA PARES, NAMUDMOD PA NG DATUNG
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 6, 2023

Napanood namin ang birthday salubong ni Vice Ganda na naka-upload sa kanyang vlog.
Kasama niya rito ang mga kaibigang sina Negi at Petite.
Kagagaling lang ni Vice sa pagpapraktis at sinabi niya sa mga kasamahan na nagugutom na siya kaya nagyaya ang TV host na sa Pares Retiro na sila kumain. Ito raw kasi ang paborito niyang kainan.
At ilang minuto na lang kasi, magtu-12 MN na, kaya magpo-fall na ito sa kanyang birthday (March 31).
Ayon kay Vice, nawawala ang stress niya kapag doon kumakain dahil napakasarap daw talagang magluto ng cook doon.

Ang dami nga namang kumakain sa nasabing lugar at after nilang lumafang ay nag-anunsiyo si Negi na lahat daw ng mga nandu'n ay ililibre ni Vice.
Hindi lang 'yun, nagpa-games pa si Meme sa kanila, na sa bawat tamang sagot ay may premyong P1K.
Tuwang-tuwa si Vice na kahit dis-oras na ng gabi ay marami pa rin siyang napasayang madlang pipol.





Comments