top of page

Inabuso ng yaya, na-bully pang malandi… 19-ANYOS NA ANAK NI KUYA KIM, NATAGPUANG PATAY SA BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 22, 2025



SPECIAL - 19-ANYOS NA ANAK NI KUYA KIM, NATAGPUANG PATAY SA BAHAY_IG _kuyakim_atienza

Photo: IG _kuyakim_atienza



Maraming kapamilya at kaibigan nina Kuya Kim Atienza ang nabigla sa balitang pumanaw na ang kanyang 19-year-old na anak na si Emmanuel matapos na ang mismong misis ng TV host na si Mrs. Felicia ang nagkumpirma nito sa kanyang Instagram post kahapon, October 24.


“It’s with deep sadness that we share the unexpected passing of our daughter and sister, Emman,” bungad na caption ng naturang IG post. 


Dagdag pa ni Mrs. Atienza bilang pag-alala sa anak, “She brought so much joy, laughter, and love into our lives and into the lives of everyone who knew her. Emman had a way of making people feel seen and heard, and she wasn’t afraid to share her own journey with mental health. Her authenticity helped so many feel less alone.


“To honor Emman’s memory, we hope you carry forward the qualities she lived by: compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life.

“With love, Kim, Feli, Jose, and Eliana”


Si Emmanuel a.k.a. Emman ay social media personality na bunsong anak nina Kuya Kim at Felicia na nakatira sa Los Angeles, California.


Sa IG post ng misis ni Kuya Kim, wala itong binanggit na dahilan ng pagkamatay ni Emman, pero sa isang website, ang Gulf News, sinasabing natagpuan na lang ang 19-anyos na dalaga sa kanyang bahay na wala nang buhay at pagbibigti ang itinuturong dahilan ng pagpanaw nito.


Minsan nang naging controversial si Emman nang ma-bash ng mga netizens last year dahil sa pagpo-flaunt diumano nito ng  ₱133 ,000-worth ng dinner with friends.

Pero maliban dito, nakapanayam na rin siya ng aktres-TV host na si Toni Gonzaga sa kanyang Toni Talks kung saan naikuwento ni Emman ang pang-aabusong naranasan sa kamay ng kanyang yaya nu’ng mga 3 yrs. old pa lang siya.


Nakakadurog ng puso habang ikinukuwento ni Emman kung paano siya ikinulong ng kanyang yaya sa loob ng aparador at sinasampal nu’ng bata pa siya at hindi niya masabi ang mga bagay na ito sa kanyang parents na busy daw sa work noon. Akala niya ay normal lang ang ginagawang pagdidisiplina sa kanya ng yaya, pero nag-iwan sa kanya ng trauma ang karanasang ‘yun.


Isa pang inamin ni Emman sa panayam niya kay Toni ay ang pambu-bully na natanggap niya sa social media kung saan inakusahan daw siya noon na “malandi”, “whore” at “slut”.


At bago pa ang biglaang pagpanaw ng bunso ni Kuya Kim, meron din itong naging post sa Instagram kung saan nagpaalam siyang magso-social media break muna dahil nagkakaroon siya ng anxiety bunsod ng mga “hatred” na natatanggap sa tuwing magpo-post siya.


Hindi man magsalita ang pamilya ni Emman, tiyak na napakasakit para sa kanila, lalo na

sa kanyang mga magulang, ang biglaang pagpanaw nito.


Kami po rito sa BULGAR ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya ni Kuya Kim Atienza. 

At sana, maging awakening call sa lahat ang pinagdaanan ni Emman at ang lagi niyang paalala noon sa lahat na maging compassionate tayo at mag-spread ng kindness dahil hindi natin alam ang pinagdadaanan ng bawat tao.



SA mahigit 500 na batang nag-audition para maging bahagi ng Fyre Squad, walo sa 71 na pumasa bilang talents ang humarap sa ginanap na press launch sa Great Eastern Hotel last Saturday, Oct. 18.


Ilan sa kanila ay nagpakita ng talent sa pagkanta at pagsasayaw at mukhang yayamanin ang mga bagets kaya biniro nga namin kung may nepo babies ba sa kanila, pero wala naman daw.


Well, nang tanungin kung bakit nila gustong mag-artista, karamihan ay nagsabing gusto nilang mag-inspire ng ibang kabataan, tulungan ang pamilya para umangat ang buhay at maging katulad ng mga idolo nilang artista.


Dalawa nga sa Fyre Talent Academy artists, sina Atarah at Cody, ang sumagot na gusto nilang maging bahagi ng Batang Quiapo ni Coco Martin dahil idol nila ang aktor.


“Favorite ko po si Coco Martin. I’d like to work with him. I really admire his talent and sobrang galing niyang direktor. I want to be like him. He’s my inspiration din po. Gusto ko ring maging katulad niya,” sabi ng 12-yr.-old na si Atarah.


Ilan naman sa mga bata ang umaming gustong sundan ang yapak nina Kathryn Bernardo at ng BINI, ganu’n din ni Joshua Garcia.


Sa ngayon, wala pang TV exposure ang mga bata pero marami na raw plano ang mga bumubuo sa Fyre Talent Academy para matulungang maabot ng mga bata ang kanilang mga pangarap.


Isa na nga rito ang FYRE SQUAD na isang vibrant at dynamic children’s magazine-style TV show na prodyus ng FYRE Talent Academy, isang platform na binuo para pag-alabin ang kagustuhang maipakita ang talento, pagkamalikhain, at boses ng mga kabataan.


Pinangunahan ang launching/contract signing nina Pau Ordona (founder) at Renz Baron Florez (co-founder ng Fyre Talent Academy). 

Kasama ring inilunsad ang mga Fyre Squad Artists na sina Alisha, Dione, Ava, Brienne, Brielle at Rob.


Si DJ Janna ChuChu ng Barangay LSFM 97.1 ang nag-host ng event at special guest naman si Wize Estabillo ng It’s Showtime Online U.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page