Inaayawan na, wala na ring matirhan… CHARICE, NALAOS SA TATE NANG MAGING JAKE ZYRUS
- BULGAR
- Nov 20, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 20, 2022

How true na tinanggihan na umano ng record producer na si David Foster si Jake Zyrus (Charice Pempengco)?
Bukod daw sa wala ring permanenteng tirahan si Jake sa Amerika at palipat-lipat lang, wala na rin daw itong proyekto roon.
Maraming netizens ang nanghihinayang sa sinapit ng career ni Jake na kilala na isa sa mga 'pride' ng Pilipinas noon pagdating sa kantahan.
Kung dati ay mabentang-mabenta ito sa mga shows abroad nu'ng siya ay si Charice Pempengco pa, ngayon, maging ang record producer nga raw na si Foster na dating nagdadala sa international stage kay 'Charice' ay hindi na napagbibigyan dahil sa pagpapalit niya ng pangalan bilang Jake Zyrus.
At wala na rin daw ang boses na hinahangaan sa kanya bilang si Charice. Kaya nang mag-try daw na lumapit si Jake kay Foster, tinanggihan umano siya nito.
Nagkaroon umano ng argumento noon si Charice at ang mga namamahala ng kanyang singing career sa Amerika. Alegasyon nila, baka raw ipinagtapat ni Charice kung ano ang talagang gusto niya.
Baka raw pinayuhan siya ng, "No. Stick to what you are. Ikaw man ay merong ibang nararamdaman na ikaw ay isang tibo, itago mo. Ang dami-daming tibong singer sa buong mundo na nagtagumpay."
Sabagay, totoo namang malaki ang nawala kay Charice nang maging transgender.
Komento nga ng mga netizens, "Sana, hindi lahat sa kanyang sarili ay ipinabago niya.
Malaking bagay ang boses niya, 'yun ang kanyang asset na gustung-gusto ng mga music lovers."
"Wala namang masama kung may mga binago siya sa kanyang sarili, pero ang boses niya, gifted 'yun, eh. Sana, hindi na lang niya pinakialaman. Sayang talaga."








Comments