Inaabangan na sa K-drama… JAMES, NAG-SIGN NG KONTRATA SA KUMPANYA NI JI CHANG-WOOK SA SOKOR
- BULGAR
- 4 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 29, 2025

Photo: James Reid - FB
Excited ang mga fans ni James Reid sa balitang pumirma siya ng management contract sa Spring Company na located sa South Korea.
Ang sabi, ang South Korean superstar na si Ji Chang-wook ang nagtayo ng kumpanya.
Naka-post sa Careless PH ang photo ni James kasama ang ilang Koreano na staff ng Spring Company. Ang nakalagay sa caption: “James Reid signs with Korea’s @spring.compan_official—the first Filipino artist to join their roster.”
Ang mga comments na mababasa… “With @jichangwook it is always Spring! Good job,” “Congrats @james! Another blessing and to many more,” “Good luck for this new partnership Saranghaeyo Oppa,” “What? Wow! Ji Chang-wook!” at “I love James, I love Korea, perfect combination.”
May nagtanong kung ibig bang sabihin nito ay makikita si James sa K-dramas? May excited pang nag-comment na wish nilang makasama si James sa K-drama series ni Ji Chang-wook.
Samantala, ibinalita ni Ogie Diaz sa vlog na nagsimula na ang taping nina James Reid at Kathryn Bernardo para sa pagtatambalan nilang series sa Kapamilya channel. Excited na ang mga fans na mapanood silang magkasama.
Habang sumasayaw…
KARYLLE, NAAKSIDENTE SA IT’S SHOWTIME
NAGKAROON ng minor leg injury si Karylle habang may dance number sa It’s Showtime (IS). Si Ryan Bang ang agad umalalay at ini-lift pa ang leg ng singer-actress.
Inakala nina Jhong Hilario at Vhong Navarro na bahagi ng dance number ang pagkadapa ni Karylle. Nang makita nilang totoong nasaktan siya, agad silang lumapit.
May medic din na agad dumating at nagawa pang magbiro ni Karylle para hindi mabahala ang mga co-hosts at audience.
Pinaalalahanan si Karylle na mag-ingat next time at marami ang humanga sa kanya. Marami rin ang nagpadala ng mga “get well soon” messages.
Sunud-sunod ang mga projects ni Will Ashley after ng Pinoy Big Brother (PBB) kahit hindi siya ang Big Winner.
From recording, movies, TV series, endorsements at ngayon ay pati concert, sasabak na rin siya.
Magre-recording si Will under Star Music in partnership with GMA. May mga endorsements din siya, kabilang ang Acer at Greenwich.
May tatlong movies siyang ginagawa – ang Poon, Bar Boys (BB) sequel at Love You So Bad (LYSB) kasama sina Bianca at Dustin Yu.
Busy din si Will sa TV dahil bukod sa guest role sa Sanggang Dikit FR (SDFR), magsasama sila ni AZ Martinez sa Daig Kayo ng Lola Ko (DKNLK) sa episode na Hotel De Luma.
Sa ngayon, wala pa siyang ginagawang series pero sigurado, may inihahanda ang GMA para sa kanya.
Magko-concert na rin si Will sa October 18, 2025 sa New Frontier Theater. Wala pang details sa Fan Meet concert, wala pang title, director, at kung may guests.
Lilipad si Will papuntang Japan para sa Acer event kasama ang ibang PBB endorsers din ng Acer. More to come pa raw kaya abang-abang ang mga fans, marami pa raw darating.
SAMA-SAMA sa horror mvie na Huwag Kang Titingin (HKT) ang Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Shuvee Etrata, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger at Josh Ford. Makakasama rin nila ang Sparkle artists na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Anthony Constantino, Marco Masa at Sean Lucas.
Sa direction ni Frasco Mortiz, collab ito ng Mentorque Productions at GMA Pictures.
Si Kira lang ang non-Sparkle artist sa cast dahil sa love team nila ni Josh na ilalayag.
Wala na sigurong mairereklamo ang mga fans ng PBB Celebrity Collab Edition dahil may projects silang lahat. May naglalagare pa nga gaya ni Shuvee na hindi nakadalo sa storycon ng first movie niya dahil may kasabay na event. Nabalita ring lilipad siya papuntang Japan para sa Acer event kasama ng iba pang PBB housemates na mga endorsers din.
Galing si Shuvee sa Tacloban City para sa Jag event na ini-endorse rin niya. Sa dami ng tao, big star na ang datingan nito.
Sa dami ng projects ni Shuvee, mapapabilis ang dream niyang mabigyan ng malaking bahay ang pamilya. Tig-iisang kuwarto raw ang bawat kapatid niya, eh, siyam silang magkakapatid.
Comments