In-announce pa sa socmed… SYLVIA, HUMIHIRIT NA NG APO KINA ARJO AT MAINE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 22, 2022

Kamakailan ay may post si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account kung saan sinusukat ng kanyang bunsong anak na si Xavi ang taas nilang mag-ina.
Ani Ibyang, nalungkot siya nang sabihin ni Xavi na mas matangkad na ito kesa sa kanya.
Kaya naman pabirong sabi ng aktres na mag-aantay na lang daw siya ng kanyang magiging apo dahil malaki na ang kanyang baby.
Sa kanyang sinabi ay itinag niya ang dalawang anak na sina Ria at Arjo Atayde. Maging ang girlfriend ni Arjo na si Maine Mendoza ay itinag din ni Sylvia.
Ang mga komentong pumasok sa socmed ni Ibyang ay pawang tungkol kina Maine at Arjo.
Wala pa raw kasing boyfriend si Ria.
Heto ang kabuuan ng caption kung saan itinag ni Ibyang ang mga anak at maging si Maine.
"Bigla akong nalungkot, hahaha! Xavikok, my baby no more! Hintay na lang talaga ako ng apo ko, ehem, ehem, ehem, hahahaha!"
Humirit pa ang award-winning actress na ang mga fur babies na lang daw muna nila ang kanyang magiging babies.
"But in the meantime, habang wala pa ehem-ehem! Sina Soji, Zola, Lulu, Ellie, Callie, Georgie, Hailey, Matilda and Bucky muna ang mga babies ko."
Komento ng isang netizen, "Ma'am Sylvia, antay lang, 'yun munang ate ni Meng, ikakasal na siya ngayong 2022 kaya sina Arjo at Meng, for sure na sa 2023. Hahahaha! I-tag ko na po ba?"
So far, ini-enjoy ni Ibyang ang pagiging full-time momshie sa mga anak.
Apat ang anak ni Sylvia at ng businessman husband na kung tawagin ng lahat ng mga kaibigan sa industriya ay Papa Art (Atayde) — sina Arjo, Ria, Gela at Xavi.
Pansamantalang namahinga si Sylvia sa showbiz dahil sobra raw siyang na-stress sa huling teleserye na kanyang ginawa, ang Huwag Kang Mangamba sa role na Barang.
Hindi binanggit ni Ibyang kung hanggang kelan ang kanyang indefinite leave. Pero, sinisiguro naman niyang once na may offer na maganda at nagustuhan niya, hindi raw siya magdadalawang-isip na gawin.





Comments