In-announce nu'ng V-Day… JERIC, KINUMPIRMANG NAGKABALIKAN NA SILA NI RABIYA
ni Nitz Miralles @Bida | February 17, 2023

Hinayaan ni Rabiya Mateo na si Jeric Gonzales ang mag-announce via Instagram na sila ay nagkabalikan. Sinamahan ni Jeric ng photos nila ni Rabiya ang good news na sila na uli.
“Hindi pa siguro late para bumati? Happy Valentines my love @rabiyamateo I will always love you!” at sumagot si Rabiya ng “I love you @jericgonzales07. Blessed to spend 2 Valentine’s date with you.”
Sa IG ni Jeric, puro positive ang mga comments sa pagkakabalikan nila ni Rabiya at tila bumawi pa raw ang actor dahil dalawang Valentine’s Day date ang binanggit ni Rabiya.
May mga pasaway lang na nag-comment na maghihiwalay din daw sina Rabiya at Jeric, kaya sinaway sila ng ibang netizens.
Hindi na-interview si Jeric sa mediacon ng Mga Lihim ni Urduja kaya hindi nausisa sa pagbabalikan nila ni Rabiya. Puro tungkol sa series ang naitanong kung saan ginagampanan niya ang role ni Agent Greg, isang liason officer na protector nina Gem (Kylie) at Crystal (Gabbi Garcia). Si Jeric din ang love interest ni Kylie rito at dahil police rin ang role, kinailangan niyang mag-training.
“Thankful ako na after Start-Up PH, may next project agad ako. Malaking karangalan sa akin na mapasama ako rito sa Mga Lihim ni Urduja. Hindi ito typical action series, binigyan kami ng time ni Direk Jorron Monroy na mag-training. Maganda ito," sabi ni Jeric.





Comments