top of page

Impresibo si Johnson, Lee nakabawi sa ONE C'Ship 160

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2022
  • 2 min read

ni MC - @Sports | August 28, 2022


ree

Nagdagdag ng panibagong koleksiyon ng world title si dating UFC flyweight world champion Demetrious Johnson nang impresibo nitong mapabagsak si Adriano Moraes at angkinin ang ONE flyweight world title sa kanilang pinakaaabangang rematch kahapon sa Singapore Indoor Stadium.


Naunang masipag sa atake si Johnson sa kaagahan ng round sa bisa ng malalakas na sipa at halos gutayin na si Moraes. Nakasilip ng pagkakataon ang Brazilian na makasipa at mai-takedown nang magpatama si Johnson ng siko sa kilay ni Moraes.


Nagpatama pa si Moraes ng head kick na nagpasuray kay Johnson sa round two.


Sinundan ng Brazilian ng panunuhod sa ulo habang nasa canvas pero nakapiglas si Johnson nang tangkain siya sa choke ni Moraes.


Nagpatuloy ang ex-UFC fighter sa malinis na pagpapadapo ng strikes sa opening minute ng round three. Nagpadapo si Moraes ng mga jabs para kontrolin ang kasagupa pero higit na nagmalupit ang mga suntok at sipa ni Johnson sa kabuuan ng round.


Samantala, muling nabawi ni Mixed martial arts sensation Christian Lee ang ONE featherweight world title kasunod ng second-round technical knockout kontra Ok Rae Yoon sa pinakahihintay din na rematch sa main event ng ONE 160 Biyernes ng gabi Singapore Indoor Stadium.


Mabilis agad ang pagsugod ng 24-anyos na si Lee sa opening round. Sa round 2, nagpakawala si Lee muli ng malupit na right hand para pahinain ang tuhod ng kasagupa. Nasukol na at napako sa gilid ng cage, sinundan agad ni Lee ng malalakas na panunuhod para mapilitan ang referee na itigil na ang bakbakan sa 1 minuto ng round 2.


Habang sa co-main event, si Tang Kai ang naging unang Chinese male ONE Championship world champion nang talunin si Thanh Le sa bisa ng unanimous decision at kunin ang ONE featherweight world title.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page