Imposible magkaroon ng Martial Law ngayon, period!
ni Ka Ambo - @Bistado | January 08, 2022
MASSIVE ang pagkalat ng trangkaso.
Pero, simpleng paracetamol lang ay sapat nang makalunas!
◘◘◘
SEVERE cases lamang ang dapat pagbatayan ng lockdown at wala nang iba pa.
Ang pagdating ng flu season ay normal sa bawat henerasyon.
Ang hindi normal ay ang palpak na desisyon ng mga lider!
◘◘◘
SA 2022, patung-patong at sunud-sunod ang mga krisis na mararanasan.
Kasi’y ugat niyan ay kamangmangan ng mga decision-maker na ang pundasyon ay kasakiman sa salapi at kapangyarihan.
◘◘◘
MAY nagkakalat sa social media na magdedeklara raw ng Martial Law si P-Digong anumang araw ngayong Enero.
Ang sagot natin: Imposible!
◘◘◘
ANG mga nagdedeklara lamang ng Martial Law ay mga strong leader at may fresh mandate.
Hindi puwedeng magdeklara ng Batas Militar ang “lame duck president”!
◘◘◘
KASINGKAHULUGAN ng Martial Law ay military takeover.
Ibig sabihin, binubura nito ang kapangyarihan ng civil government!
◘◘◘
KAPAG ang weak leader o lame duck president ay nagtangkang magdeklara ng Batas Militar, malaki ang posibilidad na ma-kudeta siya.
Ang kudeta ay agresibong pagtatangka ng mga military leader na agawin ang gobyerno sa panahon ng “transisyon"!
◘◘◘
NAIDEKLARA ni Marcos ang Martial Law dahil itinuturing siyang strong leader at nasa likod nito ang pinakamatatalinong adviser ng mga panahon iyon.
Ngayon, sino ba ang matalino at pinaka-outstanding adviser ni P-Digong?
Si Sen. Bong Go ba ay maituturing na may exceptional leadership, experience at intelligence?
Sumagot kayo!
◘◘◘
KAPAG tinangka ni P-Digong na magdeklara ng Batas Militar, posibleng magkaroon ng malaking gulo—na ang makikinabang ay ang mga dayuhan “super power” — US o China ?
Maaaring ibinubuyo ang Pilipinas sa kaguluhan, pero 'yan ay para sa interes ng mga dayuhan!
◘◘◘
GAYUNMAN, ang 2022 ay maituturing na emotional year o magdedesisyon ang mga leader batay sa emosyon at hindi batay sa reasoning.
Dahil d'yan, mayroon ding posibilidad—bagaman maliiit lang, na ideklara ang Martial Law.
Pero ito ay malinaw na “ill-advised”!
◘◘◘
KAILANGAN ipakita ni P-Digong na siya ay “statesman” — isang makabayan lider.
Dapat matukoy ni P-Digong kung alin ang makakabuti para sa lahat ng Pinoy, kaysa makabubuti sa kanyang mga alalay!
◘◘◘
KAILANGAN masukat niya ang impluwensiya ng mga espiya ng US at China sa loob ng kanyang inner circle.
At iwasan niyang magbunsod ng anumang oportunidad na magulo pa nang todo ang krisis na nararanasan ng lahat!
◘◘◘
BINABANGGIT natin ito upang bigyan ng payo o paalala si P-Digong.
Nasa mga kamay pa rin niya ang kapalaran ng 110, milyong Pinoy!





Comments