top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Importanteng makapagpresenta ng ebidensya na susuporta sa kaso

BULGAR
Jun 23, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 23, 2022


Dear Chief Acosta,


Sadya bang madi-dismiss ang kaso na balak kong isampa kung wala akong ebidensya? Hindi ko kasi talaga nakita na sinira ng kapitbahay ko ang bahagi ng pader namin, ngunit malaki ang suspetsa ko na siya ang gumawa noon dahil wala naman akong ibang kaalitan sa aming lugar maliban sa kanya. Nais kong pagbayarin siya ng danyos na natamo ko, ngunit sabi ng aking kaibigan ay hindi sapat ang alegasyon ko lamang. Ang problema ay malamang hindi naman aamin ang taong pinagbibintangan ko. Sana ay mapayuhan ninyo ako. - Castro


Dear Castro,


Sa anumang uri ng pagsasampa ng kaso, maging ito man ay sibil, kriminal o administratibo, mahalagang makapagpresenta ng angkop na ebidensya na malinaw na susuporta sa posisyon, alegasyon at/o depensa ng partido. Ang ebidensya ay ang siyang paraan upang malaman ang katotohanan sa legal na sitwasyon. Batay sa Rule 128 ng ating Revised Rules on Evidence (A. M. No. 19-08-15-SC):


“Section 1. Evidence defined. – Evidence is the means, sanctioned by these rules, of ascertaining in a judicial proceeding the truth respecting a matter of fact.”


Sapagkat nais ninyong maghain ng reklamo laban sa inyong kapitbahay upang pagbayarin siya ng danyos sa animo’y paninira niya ng bahagi ng inyong pader, sadyang kinakailangan na mangalap kayo ng sapat na ebidensya na magpapatunay na siya nga ang gumawa at/o ang naging sanhi ng naturang paninira. Ang ebidensya na maipipresenta ninyo ang maaaring maging daan upang makumbinse ninyo ang hukuman na ipagkaloob sa inyo ang danyos na hihilingin ninyo. Kung wala kayong maipipresentang sapat na ebidensya ay maaaring mabasura ang inyong reklamo sapagkat hindi tatanggapin ng hukuman ang salita ninyo lamang o ang inyong pawang bintang laban sa inyong kapitbahay. Ipinaliwanag ng ating Korte Suprema sa kasong Spouses Cabasal vs. BPI and De Leon (G.R. No. 233846, November 18, 2020, Ponente: Honorable Associate Justice Rodil V. Zalameda):


“Further, it cannot even be established from petitioners' evidence whether Eloisa backed out of the agreement because of the very words spoken by respondent. Eloisa was not presented in court; hence, petitioners' asseveration is merely self-serving, unsubstantiated, and conjectural. It is a fundamental rule that bare allegations, unsubstantiated by evidence, are not equivalent to proof. Charges based on mere suspicion and speculation cannot be given credence. When the complainant relies on mere conjectures and suppositions, and fails to substantiate his allegations, the complaint must be dismissed for lack of merit.”(Binigyang-diin)


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page