top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Implementor ang lumalabag sa protocol, para saan ang hard lockdown?

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 01, 2021



Ibabalik sa mas matinding ECQ ang NCR Plus at mga karatig.


Nanangkupooo!


◘◘◘


EXPONENTIAL ang pagdami ng Delta variant.


Remember India, remember Indonesia!


◘◘◘


DAPAT lockdown kung lockdown.


Pati pulis at frontliners, dapat hindi gumagalaw kung saan siya inabutan ng “deklarasyon”.


Ito ay walang iniwan sa “statue dance”!


◘◘◘


HINDI nauunawaan ng implementor ang kahulugan ng lockdown.


Ang lockdown ay walang iniwan sa party game na “statue dance”.


Sayaw nang sayaw pero kapag tumigil ang musika, titigil ang lahat ng kalahok kahit anong porma siya inabutan sa pagkawala ng tunog!


◘◘◘


KAPAG ipinatupad ang statue dance implementation sa lockdown, kahit ang pulis, health personnel, o sinumang Pilato—hindi na dapat umalis ng lugar kung saan siya inabutan ng deklarasyon.


Halimbawa, ang pulis ay hindi dapat umalis sa presinto at checkpoint area at doon na siya matutulog, dadalhan ng pagkain at personal na gamit.


Kahit pulis na lalabag ay dapat arestuhin.


Ibig sabihin, kailangan magtrabaho ang “military police” para sa mga sundalong lalabag at “Napolcom officer” para naman sa mga pulis na matitigas ang ulo.


‘Yan ang totoong lockdown!


◘◘◘


HINDI totoong may mamamatay sa gutom sa panahon ng “statue dance”

implementation ng lockdown, dahil maraming laman ang mga sari-sari store, palengke at iba pa.


Ang mamamatay sa gutom ay ang mga nasa gitna ng gubat, bilanggo at mga walang kapitbahay!


◘◘◘


DAPAT nating maunawaan na ang mga mangingisdang inabutan ng bagyo sa dagat at nagpapalutang-lutang ng 30-araw sa tubig ay nabubuhay pa rin nang walang pagkain at tubig.


Hindi mawawala ang pagkain sa bahay, kapitbahay at tindahan — sa panahon ng hardlockdown!


◘◘◘


POLITICAL will ang dapat gamitin ng Malacañang at mga LGU executives sa pagpapatupad ng batas.


‘Yan ang resolusyon kontra sa Delta variant!


◘◘◘


LAHAT ay nagsasabing ang mga lumalabag sa protocol ay ang mismong ang implementor kaya’t tinatamaan ang AFP chief, cabinet. Senador, kongresista, gobernador, mayor at buong opisyal ng city hall at munisipyo.


Kasi’y ang implementor ay siyang lumalabag sa protocol.


Kapag ganyan, para saan ang hard lockdown?


◘◘◘


UNANG higpitan ng Malacañang ang mismong implementor sapagkat sila mismo ang nagkakalat ng virus sa panahon ng lockdown.


At dahil walang disiplina, hindi nila maipatutupad ang protocol sa ordinaryong mamamayan!


◘◘◘


IPATUPAD ang ala-Martial Law na hard lockdown—at presto—sa loob ng 15-araw o 30-araw—tapos ang pagkalat ng anumang virus.


Ang mga tao na makikita sa labas ng bahay at kalye ay dapat nakasuot lahat ng PPE—hindi sapat ang face shield o facemask.


Walang lalabas ng bahay nang hindi naka-PPE.


‘Yan ang depinisyon ng hard lockdown — na hindi naman ipinatututupad ng mga bopol na opisyal ng pamahalaan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page