Impeachment trial, ililipat sa hapon
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | August 23, 2026

Photo: Impeachment trial ni VP Sara Duterte - Senate of the Philippines
Posibleng ilipat sa hapon ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio simula Setyembre.
Ayon kay Senator-Judge Panfilo "Ping" Lacson, nangingibabaw sa mga miyembro ng Senate majority bloc ang pananaw na sulitin ang oras para sa impeachment trial sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga legislative session sa umaga at paglilipat ng trial sa hapon at posibleng pagpapahaba nito hanggang gabi.
Sa ilalim ng panukalang setup, maaaring idaos ang regular na session ng Senado mula Lunes hanggang Miyerkules, alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon, at magsisimula ang trial ng alas-2:30 ng hapon hanggang alas-7:30 ng gabi.
Ani Lacson, walang pressure na kailangang eksaktong matapos ang proceedings ng alas-7:30 ng gabi, at maaari itong umabot hanggang bandang alas-10 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi kung kinakailangan.
Dagdag niya, magiging pormal ang usapin sa caucus ng mga senador sa susunod na linggo, kung saan kokonsultahin din ang mga miyembro ng minority bloc.





Comments