top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Immaculada, unang nagwagi vs. Olivarez

Writer: BULGAR
BULGAR
May 26, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 26, 2023



Mga laro ngayong Biyernes – PUP Gym

10:00 AM CEU v. PUP (Babae)

11:30 AM Olivarez v. ICC


Ipinasok ni Jared Vento ang bola na may isang segundo sa orasan upang ihatid sa Immaculada Concepcion College ang makapigil-hiningang 80-79 panalo kontra Olivarez College sa Game One ng 29th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) Basketball Tournament noong Miyerkules sa Polytechnic University of the Philippines Gym sa Santa Mesa, Maynila. Sisikapin ng Blue Hawks na tapusin ng maaga ang seryeng best-of-three sa Game 2 ngayong Biyernes sa parehong palaruan.


Galing sa timeout, palobong ipinasa ang bola patungo sa lumilipad na si Jake Gaspay at nabitawan ito subalit eksaktong napulot ni Vento ang bola para sa nagpapanalong buslo. Nakamit ng ICC ang karangalan na koponan na pumutol sa 13 sunod-sunod na tagumpay ng Sea Lions buhat noong nagbukas ang torneo noong Marso 10.


Para kay Gaspay talaga yung play,” paliwanag ni Vento. “Presence of mind lang kasi alam ko wala nang oras kaya tinira ko na.”


Lamang ang Olivarez papasok sa huling minuto, 77-73, subalit bumanat ng 5 puntos si Ian Torres upang maagaw ng Blue Hawks ang lamang, 78-77. Saglit ibinalik ng buslo ni Joshua Gallano ang lamang sa Sea Lions na may anim na segundong nalalabi, 79-78, bago ang pagbayani ni Vento.


Nagtapos si Torres na may 11 ng kanyang 29 puntos sa huling quarter at sinundan ni Alfred Flores na may 23 puntos. Nanguna si Gallano para sa Olivarez na may 16 puntos.


Bago ang laro, pinarangalan si forward Bryan Hilario ng Philippine Merchant Marine School bilang Most Valuable Player sa ikalawang sunod na torneo. Kasama niya sa Mythical Five sina Gaspay, Edmund dela Cruz ng Olivarez, Mark Jayson Morada ng PATTS at Mark Nobleza ng PUP.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page