Imbitado raw siya ng BIR… VICE, LAGLAG DAW SA TOP TAXPAYERS NG 2022, PUMALAG!
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 12, 2023

Nag-react si Vice Ganda hinggil sa lumabas na balita sa top celebrity taxpayers ng 2022 kung saan hindi nakasama ang kanyang pangalan.
Tweet ng It's Showtime host, "Shock."
Tanging ang name nina Coco Martin, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nasa talaan ng top celebrity taxpayers.
Ayon kay Vice, ni-recognize naman umano ng Bureau of Internal Revenue sa kanilang distrito na siya ay isa sa mga top taxpayers.
Aniya sa kanyang social media account, "FYI, 'yung nasa news po ay mga top taxpayers ng RDO (Regional District Office) 39. I am one of the top taxpayers of RDO 38. I was invited sa ceremony nu'ng Feb. 27 pero 'di po ako naka-attend."
Sinabi ito ni Vice dahil may netizen na nagtaka at nagtanong kung bakit wala sa listahan ng top celebrity taxpayers ang Unkabogable Phenomenal Superstar gayung aktibo pa rin ito sa showbiz at hindi nawawalan ng shows at raket.





Comments