Imbestigasyon ng Senado sa kaso ng Pharmally, nagka-letse-letse na!
ni Ka Ambo - @Bistado | November 4, 2021
NAGKALETSE-LETSE na ang imbestigasyon ng Senado sa kaso ng Pharmally.
Marami na rin ang nadadamay sa isyu kahit walang kinalaman.
Kumbaga, phar-mali talaga!
◘◘◘
ISANG businesswoman ang nanindigan na wala silang kontrata sa gobyerno.
At walang siyang kaugnayan sa isyu ng kapangalan ng kanyang kompanya na “Pharmally”!
◘◘◘
MARIING pinabulaanan ni Rose Lin, isang negosyanteng tumatakbong kongresista ng ika-5 Distrito sa Quezon City na walang katotohanan ang alegasyon nang ikabit ang Pharmally Biological sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Isinangkot ang PPC sa multi-bilyong anomalya sa pagbili ng medical supply laban sa COVID-19!
◘◘◘
NILINAW ni Rose Lin, na walang katotohanan na sister company ng kanyang kompanya ang Pharmally Pharmaceutical Corporation.
At lalong wala siyang nakukuhang anumang kontrata sa gobyerno!
◘◘◘
LAHAT ng mga akusasyon sa kanya ay pawang malisyoso at walang basehan kung saan sinisira nito ang kanyang reputasyon at kredibilidad sa business community.
Aniya, sinusuportahan niya ang isinasagawang pandinig sa Senado kung saan paulit-ulit siyang dumadalo upang linisin ang kanyang pangalan at dangal ng kanilang pamilya!
◘◘◘
NANINIWALA si Lin na may ilang sektor ang pilit na sinisira siya upang hindi niya ituloy ang kanyang kandidatura sa pagka-kongresista sa 5th district sa Quezon City.
“Anuman ang mangyari, itutuloy ko ang aking ambisyon sa pulitika upang maibigay sa mamamayan ang serbisyong nararapat,” pagtatapos ni Lin.
◘◘◘
MALAKING sakit ng ulo ngayon ay ang pagkalat ng maling impormasyon sa social media.
Kaawa-awa naman ang mga biktima ng fake news, lalo na ang mga inosenteng aspirante sa 2022 election!





Comments