Imbes na ang kumakalat na Delta variant… Si Pacman ang inaksiyunan ng tropang duterte
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 24, 2021
TROPANG DUTERTE, SI PACMAN ANG INAKSIYUNAN, SINIBAK SA PDP-LABAN—Matapos iulat ng Department of Health (DOH) noong July 16, 2021 na may 11 Pinoy ang tinamaan ng Delta variant ay kaluna’y nanawagan si Vice-Pres. Leni Robredo sa Duterte gov’t. na gumawa na ng mga kongkretong aksiyon upang hindi na ito lumaganap sa bansa, pero ang inatupag kinabukasan (July 17) ng tropang P-Duterte ay pagpapatalsik kay Sen. Manny Pacquiao bilang president ng PDP-Laban, at dahil dinedma ang VP, kaya ang resulta, 47 na nagka-Delta variant, at ang matindi, ayon sa DOH ay may nagaganap na ngayong local transmission ang mas nakahahawang deadly virus.
Ngayon, alam na marahil ng taumbayan kung ano prayoridad ng tropa ni P-Duterte at ng kampo ni VP Leni sa panahon ng COVID-19 pandemic, boom!
◘◘◘
KUNG SI VP LENI, MAY PA-FREE GAS AT GROCERY PACKS, NANANAKOT NAMAN SI P-DUTERTE—Madalas manawagan si P-Duterte sa mga Pilipino na magpabakuna, kaya lang may halong pananakot at masasakit na salita ang kanyang panawagan sa ating mga kababayan.
Sabihang kakasuhan at ipakukulong ang mga ayaw magpapabakuna, sabihan pang buang ang mga ayaw magpabakuna.
Mali ang panakot-istayl ni P-Duterte kasi sa gitna ng pandemya, dapat pagkalinga ang ipinadarama ng pangulo sa mamamayan, tulad ng ginawa ni VP Leni na naglunsad ng vaccine express at hinihimok ang taumbayan na magpabakuna kapalit ang P500 free gas card at grocery packs, period!
◘◘◘
IDEYA NI VP LENI, AYAW NA PAKINGGAN, PINUPULITIKA PA NG GOBYERNO—Next year pa naman ang eleksiyon, at dahil matagal pa, dapat magtulung-tulong muna ang mga pulitiko para iligtas sa virus ang mamamayan, na kung ano’ng makabubuti sa mamamayan, dapat magkaisang gawin, tulad ng vaccine express ni VP Leni, dapat may ganyan din ang Duterte gov’t.
Ang problema sa Duterte gov’t., kapag ang ideya ay mula kay VP Leni ay pinupulitika nila, ayaw gayahin kahit makabubuti sa mamamayan.
Ngayong nakapasok na sa Pilipinas ang Delta variant, dapat magkaisa ang lahat kung paano ito lalabanan, tantanan muna ang pamumulitika dahil buhay na ng mga Pilipino nakataya rito, pls. lang!
◘◘◘
KUNG MAY VACCINE EXPRESS ANG DUTERTE GOV’T, SA KANILA HIHINGI NG TULONG SINA MAYOR TRENAS AT CONG. RODRIGUEZ AT HINDI SA OVP—Uulitin natin, iwas-pulitika muna, tulad ng ginawa nina VP Leni at Mayor Isko Moreno na kahit posibleng magkalaban sa presidential election ay nagsama sila sa vaccine express sa Maynila at dahil epektibo ito, maraming nagpabakuna kaya’t hiling nina Iloilo City Mayor Jerry Trenas at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa VP ay magpa-vaccine express din sa kanilang mga lungsod.
Kung may ganyang programa ang Duterte gov’t., tiyak kay P-Duterte hihingi ng tulong sina Mayor Trenas at Cong. Rodriguez kasi siya ang pangulo, mas malaki ang budget ng OP (Office of the President), kaysa sa OVP (Office of the Vice President), period!





Comments