top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Imbes masaktan… MAJA, NASARAPAN SA SAMPAL NI KATHRYN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 20, 2026



SHEET - MAJA, NASARAPAN SA SAMPAL NI KATHRYN-IG _majasalvador

Photo: IG _majasalvador



Dahil sa closeness at pagiging ‘ate’ ni Maja Salvador kay Kathryn Bernardo ay nahirapan ang huli na sampalin ang una sa eksena nila sa upcoming series na Someone, Someday (SS).


Ito ang isa sa mga kuwento ni Maja sa nakaraang solo mediacon niya para sa serye na kasama sina Kathryn at James Reid, handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksiyon nina Chad Vidanes at Dolly Dulu.


Sey ni Maja, “Yes, ate talaga n’ya ako. But ‘pag may mga eksena kami, feeling ko, parang nahihiya s’ya. Kaya ako talaga ang nagsasabi sa kanya na ‘Hindi ako si Ate Maj, kalimutan mo ‘yun.’ May ganu’n ako sa kanya.


“Okay, nakita n’yo na naman po, nasa teaser naman ‘yung sampal, sapak. Ayaw n’yang gawin ‘yun, ayaw gawin ni Kathryn. Takot s’ya. Sabi ko, ‘No, kailangan mong gawin. Gawin mo na para tapos na. Isipin mo na lang na ‘di ako si Ate Maj.’


“Ang tawag ko sa kanya, ‘yung name ng character n’ya, si Billy, para magawa n’ya. Ginawa n’ya, nakita n’yo naman!”


At finally, nagawa na nga kaya ang tanong sa aktres ay kumusta ang sampal ni Kathryn sa kanya.


“Ang sharap (sarap)! Hahaha! Ang sarap kasing makita na game s’ya, at ibibigay talaga n’ya ang eksena!” tumawang sagot ni Maja.


Diehard fan ang karakter ni Maja bilang si Abi na talagang nakasubaybay kay Billy, ang karakter ni Kathryn, at gusto nitong mapasok ang mundo ng idolo, na nangyari naman, pero nagkaroon sila ng malaking problema.


Ilang taong nawala si Maja sa ABS-CBN kaya natanong kung paano siya napabalik bilang Kapamilya. 


Matatandaang napanood siya sa GMA-7 sitcom na Open 24/7 (2023) at sa TV5, sa Sunday Noontime Live! (2020-2021), seryeng Niña Niño (2021-2022), at Emojination (2023-2025).


“Kasi ABS-CBN show. ‘Pag gumawa ang ABS-CBN ng show, alam mong isang magandang show ‘to.


“Alam kong I’m home. There are many reasons why I accepted this project at isa na ru’n ang gusto kong makatrabaho sina Kathryn and James. Isa itong napakagandang role,” paliwanag ni Maja.


Hindi sinagot nang diretso ni Maja kung may next project siya sa Dreamscape Entertainment pagkatapos ng SS, pero ang ganda ng ngiti niya. 


Inamin din ng business unit head na si Erick Salud na may ipi-pitch pa sila sa aktres.

Kasama rin sa cast sina Dimples Romana, Rowell Santiago, McCoy De Leon, Daniela Stranner, at Migz Casimiro.


Mapapanood ang Someone, Someday sa Netflix sa Hulyo 24, sa iWant sa Hulyo 25, at simula Hulyo 27, ganap na 8:45 PM, sa ALLTV 2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook (FB) at YouTube (YT).





PATULOY na tinatangkilik ng mga manonood ang suspense thriller na The Loyalty Game (TLG) ng ABS-CBN Studios at Prime Video matapos nitong manguna sa listahan ng most-watched series sa Prime Video Philippines simula noong Sabado (Hulyo 12).


Kapit na kapit ang mga viewers ng serye sa Pilipinas maging sa ibang bansa dahil kabilang din ang serye sa listahan ng most-watched shows sa Prime Video UAE (United Arab Emirates). 


Labis din ang pagbuhos ng reaksiyon ng mga viewers online tungkol sa bawat episode nito, lalo pa at unti-unting nabubunyag ang mga sikreto ng bawat karakter.


Sa nakaraang episode, muling ipinatigil ni Ana (Janine Gutierrez) si Beth (Sofia Andres) sa pagsasagawa ng loyalty test kay Ben (Jericho Rosales) dahil naniniwala siyang hindi siya niloloko ng kanyang asawa sa kabila ng mga kahina-hinalang kilos nito.


Mas itinuon na lang ni Ana ang kanyang sarili sa pagsuporta sa asawang si Ben matapos itong mapagbintangan na pumatay kay Antonio (Bernard Palanca). Kalaunan ay lumabas na si Nathalie ang nasa likod ng pagpatay. Nakatulong din ang pangyayari kay Ben lalo pa at naibunyag ni Antonio ang lihim na pagkikita nila ni Mara (Yassi Pressman).


Lalo namang nagdulot ng mga tanong ang ginawa ni Ben matapos mapanood ng mga viewers kung paano niya pinatay ang private investigator ni Antonio. 


Dahil dito, patuloy na hinahanap ng mga manonood ang sagot kung ano pa ang itinatago ni Ben at kung nananatili ba talaga siyang tapat kay Ana.


Samantala, ibinahagi nina Janine at Jericho na hindi naging madali sa kanilang isabuhay ang kanilang mga karakter sa serye.


Ani Janine, “Throughout the script, nare-reveal sa akin ‘yung important things about her. Grateful talaga ako kay Direk Mae because she really helped me find Ana.”


“The character scared me. I think gray characters are the most interesting characters to play,” ayon kay Jericho.


Habang patuloy na lumalabas ang mga bagong sikreto sa likod ng kanilang mga karakter, asahan pa ang mas marami pang rebelasyon at pasabog sa mga susunod na episodes.


Abangan ang bagong episodes ng The Loyalty Game tuwing Biyernes, eksklusibo sa Prime Video.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page