top of page

Imbes magalit... JOHN, NATUTUWA PANG NABA-BASH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 6, 2023




Nalaman namin from a source na kagagaling lang ng isa sa mga bida ng seryeng FPJ’s Batang Quiapo na si John Estrada sa Cebu kasama ang kanyang misis na si Priscilla Meirelles at ang kanilang anak na babae.


Kinumpirma ito ni John sa amin when we asked him after ng Q&A ng Batang Quiapo mediacon.

“Nag-enjoy lang kami (sa Cebu),” pahayag ni John.


Okay naman daw ang family nila ni Priscilla. At naisingit pa niya ang pagba-bonding nila sa kabila ng hectic schedule niya sa Batang Quiapo.


“Ah, siyempre. Pamilya ko ‘yun, eh,” sabi ni John.


Pinuri namin si John na kahit may pinagdaraanan sila ni Priscilla ay hindi niya hinahayaang maapektuhan ang kanyang trabaho.


“Wala akong pinagdaraanan,” sagot ng aktor sabay tawa.


Sabi pa namin kay John, it’s good to know na okay na sila ni Priscilla.


“Yes,” diin ni John. “Always… always. Thank you.”



Imbes na magalit, natutuwa si John sa reaksiyon ng mga televiewers sa kanyang role sa Batang Quiapo bilang si Rigor kahit grabe na ang bashing na natatanggap ng aktor sa kanyang karakter.


“Well, uh, of course, dahil artista kami, when you are called for that kind of role, and maraming nag-react na nagalit sa ‘yo, ibig sabihin you’re effective, ‘di ba? As an actor,” sabi ni John.


Hindi naman nagpakaplastik si John at sinabing ayaw din niyang basta na lang tumanggap ng mga kontrabida roles.


“But, uh, just because it’s Coco ang bida namin, because I’m not gonna be plastic and say na gagawin ko ‘to para sa lahat ng bida.


“Of course, dahil artista kami at matagal na rin ako sa industriya, of course, I think, I have also the right to choose kung sino ang pagkokontrabidahan ko, ‘no? And I believe in Coco’s vision.


“Hindi ko na sasabihin kung ano pa ang magiging journey ni Rigor dito. But definitely, sabi nga ni Coco sa amin, ‘Dito, Kuya John, kontrabida ka man, bida ka man, lahat ng character dito, may puso.’ And, totoo ‘yan.


“So, nagtiwala ako ru’n kay Coco. And, ako lang, kung puwede nga lang magtrabaho, lahat kami, kung tatanungin ninyo kung sa lahat ng mga proyekto namin, si Coco ang kasama namin, okay lang sa amin,” lahad pa ni John.

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page