top of page
WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated.jp

Magdyowa, naglalakad, hinoldap ng 2 riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | October 22, 2026



Magkasintahan na-holdap sa Caloocan - CCTV Circulated

Photo: Circulated / CCTV



Isang magkasintahan ang sugatan nang holdapin ng apat na armadong suspek na sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City.


Sugat sa braso, tuhod, at kamay ang tinamo ng 22-anyos na college student at edad 20 niyang kasintahan matapos hindi agad ibigay ang bag na dahilan upang gamitan sila ng dahas ng mga suspek.


Sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, naglalakad pauwi ang magkasintahan sa San Diego St., Brgy. 88, nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo, alas-2:20 ng madaling-araw.


Inagaw ng mga suspek na armado ng baril at patalim ang bag na dala ng lalaki na kinalalagyan ng mamahaling gadget, cash, at personal na gamit na aabot sa halagang P100,000 bago tumakas patungong 11th Avenue.


Pinag-aaralan na ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang kuha ng CCTV ng barangay na nakahagip sa pangyayari para matukoy ang pagkakakilanlan at madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page