top of page
Search
  • BULGAR

Illegal online gaming, talamak sa 'Pinas

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 06, 2023





Hello, Bulgarians! Inulit ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang panawagan nito sa publiko – kapwa mga lokal at dayuhan – na maging mas mapagbantay kapag nakikibahagi sa mga aktibidad sa online gaming dahil patuloy na lumalaganap ang mga ilegal na online gaming site.


Ang panibagong tawag sa gaming regulator ng bansa ay nagmula sa mga ulat na ang isang partikular na website -- www.starspangled200.org – na naka-print sa halos 800,000 na rehistradong plaka ng sasakyan sa Maryland, USA upang itaguyod ang kasaysayan ng estado, ay ginamit ng mga manloloko ang link bilang website ng illegal gambling na umano’y tumatakbo sa Pilipinas.


Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, ang URL na www.starspangled200.org na naka-print sa mga Maryland plate na nagre-redirect sa https://www.globeinternational.info/ ay ginamit bilang isang ilegal na platform ng pagsusugal na hindi lamang lumalabag sa mga karapatan ng mga manlalaro ngunit inilalagay din ang Pilipinas sa masamang katayuan.


Mariing nanawagan si Tengco sa mga manlalaro na makibahagi lamang sa mga lisensyadong online-based gaming platform para sa tunay na kasiya-siya at ligtas na karanasan sa paglalaro. Ang listahan ng mga rehistrado at lehitimong website ay makikita sa link na ito: https://www.pagcor.ph/regulatory/index.php.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page