top of page

Ilang gov’t. officials, damay… MICHAEL V., INGAT SA PAGGAYA KAY SARAH DISCAYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1d
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 7, 2025



Michael V - FB / Sarah Discaya - Senate of the Philippines

Photo: Michael V - FB / Sarah Discaya - Senate of the Philippines



Inaabanagan ng mga viewers ng Bubble Gang (BG) ang parody ni Michael V. sa kontrobersiyal na contractor na si Sarah Discaya.


Medyo hawig nga si Bitoy kay Madam Sarah at maging ang British accent nito ay kayang-kaya rin niyang gayahin. 


Maraming characters at personalities na ang ginaya ni Bitoy at naaliw ang mga viewers ng BG.


Tiyak na magba-viral sa social media ang paggaya niya kay Sarah Discaya. Medyo maingat lang si Michael V. dahil sangkot si Sarah ngayon sa isyu ng anomalya sa mga flood control projects na damay din ang ilang government officials.



TIYAK na ikatutuwa ng mga fans nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz (JLC) ang balak ng aktor na muling makipagkita sa dating leading lady at magkaroon ng reunion. 

Inimbitahan ni Lloydie si Bea na pumasyal sa kanyang bahay at isama ang boyfriend nitong si Vincent Co. Magaling daw magluto ang nobya ni JLC na si Isabel Santos, at ipaghahanda sila kapag muling nagkita-kita.


Na-miss din ni Lloydie ang mga tsikahan nila ni Bea. Hanggang ngayon, hindi pa rin malilimutan ng moviegoers ang role nina Bea at JLC sa pelikulang One More Chance (OMC)


Marami ang nakaka-relate sa kanila bilang sina Basha at Popoy. Perfect silang screen partners, pero hanggang best of friends lang ang kanilang naging relasyon.

Masaya si Bea na natagpuan na ni Lloydie ang kanyang “the one”. Matagal ding naging mailap sa aktor ang tunay na pag-ibig. 


Samantala, humihirit ang mga Bea-John Lloyd fans na muli silang magtambal sa pelikula. Sobrang nami-miss daw nila ang love team na Basha at Popoy.



Dennis, Ruru, Carlo, Baron at Sid,  pasok…  

AGA, ALDEN, ARJO AT VICE, LAGLAG SA MGA BEST ACTOR NOMINEES NG GAWAD URIAN 



MARAMING netizens ang nagtaka kung bakit inisnab ng Gawad Urian ang ilang magagaling na aktor tulad nina Aga Muhlach, Alden Richards, Arjo Atayde at Vice Ganda na hindi na-nominate sa kategoryang Best Actor. 


Sa nakaraang FAMAS Awards, sina Vice Ganda at Arjo Atayde ang itinanghal na Best Actor. Napansin ang galing ni Arjo sa pelikulang Topakk, at si Vice Ganda naman ay nagmarka sa And The Breadwinner Is… (ATBI).


Ganunpaman, hindi sila nakapasa sa pamantayan ng Gawad Urian. Iba ang napiling nominees na contenders sa Best Actor. Pasok sina Dennis Trillo, Ruru Madrid, Carlo Aquino, Baron Geisler at Sid Lucero. Parehong pasok sina Dennis at Ruru dahil sa powerful performances nila sa pelikulang Green Bones (GB).


Umaapela naman ang mga fans ni Alden Richards dahil mahusay daw ang aktor sa pelikulang Hello, Love, Again (HLA). Si Aga Muhlach naman ay may pagka-offbeat ang role sa Uninvited.



Para ‘di raw makalimutan ang Superstar…

MGA ANAK NI NORA, IPINA-TATTOO ANG PANGALAN NIYA SA BRASO NILA



IKINAGULAT ng mga Noranians ang ginawa ng magkakapatid na Ian, Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko. Nagpa-tattoo kasi sila ng pangalan ng Superstar sa kanilang mga braso. Magkakasama silang nagpa-tattoo ng pangalang ‘Guy’. Ito raw ang paraan upang lagi nilang maalala ang yumao nilang ina, ang National Artist na si Nora Aunor.


Tiyak na masaya ang Superstar saanman siya naroroon ngayon dahil nakikita niya ang closeness ng kanyang mga anak. Ito lang naman ang tanging hiling ni Aunor para sa kanila. 


Noong nabubuhay pa siya, madalas niyang sabihin na ang pangarap niya ay makitang masaya at nagkakasundo ang kanyang mga anak.


Sa kanyang pagpanaw, nangako sina Ian, Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko na sila ay magdadamayan at magtutulungan bilang magkakapatid. Madalas ding dalawin nina Ian, Lotlot at Matet ang puntod ni Aunor sa Libingan ng mga Bayani kaya natutuwa ang mga Noranians sa pagmamalasakit nila sa alaala ng Superstar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page