Ilang beses nang gustong mag-retire, ‘di maituloy… POPS, AMINADONG ‘DI KAYANG MAWALA SA SHOWBIZ

ni Vinia VIvar @Frankly | October 15, 2026

Photo: Pops Fernandez - IG
Inamin ni Pops Fernandez na maraming beses na rin siyang nag-attempt na magretiro as a singer and concert performer since bata pa lang daw siya nang pasukin niya ang showbiz.
“I started in the business since 13,” sey ng Concert Queen sa ginanap na solo mediacon niya last Monday for her upcoming birthday and 40th anniversary concert.
Aniya, “There have been many attempts na sinabi ko sa sarili ko na ‘Ay, ayoko na, pagod na ‘ko. Ay, ayoko na, parang ang dami nang stress.’ Parati kong sinasabi ‘yan lalo na nu’ng bata ako. ‘Ay, gusto ko na mag-retire.’”
Pero hanggang sa isip lang daw niya ito at hindi niya naman talaga nagagawa dahil truth is, hinahanap-hanap din daw ng katawan niya ang pag-awit at pagpe-perform.
“Somehow, nami-miss ko s’ya. Somehow, pagkasabi ko nu’n, a few months after, ‘Ay, gusto ko pala ulit mag-work,’” saad niya.
Although, kung tutuusin ay matagal na rin daw siyang semi-retired.
“If you notice, ‘di na po talaga ako nagso-show as much as I used to. All these shows that I’m doing are for special reasons and special occasions.
“So masasabi ko po na semi-retired na ako, but to really say goodbye, again, baka hanap-hanapin ko rin, magsisi lang ako na sinabi ko na ‘Ay, sinabi ko, ‘di na,’ ‘di ba?
“So, paminsan-minsan din po, babalik at babalik ako, magso-show ako whether it’s a big venue or a small venue,” pahayag ng Concert Queen.
Dagdag pa niya, “Mami-miss ko po ‘to, kasi dito ako lumaki. Marami akong natutunan, marami akong na-experience, not just in my career, but also in life dahil sa trabaho kong ‘to.”
Sa apat na dekada niya sa showbiz, ayon kay Pipay (tawag kay Pops) ay sobrang grateful siya dahil naging mabait sa kanya ang industriya, pati na ang publiko na minahal siya nang sobra-sobra.
Hindi na rin naman matatawaran ang naiambag ni Pops sa showbiz. In fact, isa rin siya sa maituturing na icons sa music industry, with record-breaking and sold-out concerts, multiple platinum albums, and various awards and recognitions, hindi lang bilang singer kundi bilang TV host at aktres din.
Kaya naman sa kanyang ika-40 taon sa industriya at 60th birthday ay nais niya itong i-celebrate kasama ang kanyang mga supporters at kasamahan sa industriya sa pamamagitan ng isang special concert titled Pops.
Dahil double celebration ito, maraming inihandang sorpresa si Pops sa concert kasama ang kanyang mga special guests na sina Regine Velasquez, Martin Nievera, Vina Morales, Jay Durias, with the special participation of Ms. Helen Gamboa. Concert director naman si Calvin Neria at music director si Homer Flores.
MULA sa successful Philippine run ng 58th, tuluy-tuloy nga ang international screenings ng nasabing animated docu-film mula sa GMA Public Affairs at GMA Pictures.
Patuloy ang pag-ani nito ng papuri sa 31st Busan International Film Festival sa South Korea, kung saan sold-out na ang lahat ng screenings at talkback nito mula October 6 to 15.
Katunayan, marami sa mga nanood ang nakipag-usap at humingi pa ng autograph sa direktor ng pelikula na si Carl Joseph Papa. May mga filmgoers din na nagbahagi ng kanilang reaksiyon matapos nilang mapanood ang 58th.
Napili ang nasabing pelikula para sa Documentary Showcase sa ilalim ng Wide Angle section ng festival. Kasama ni Papa ang Creative Producer ng 58th at GMA Public Affairs Senior Asst. Vice-President Johnson Tam at Supervising Producer na si Ian Simbulan.
Biyaheng Taiwan din ang pelikula matapos ianunsiyo ng GMA na ipapalabas ito sa nasabing bansa very soon sa tulong ng Be True Entertainment & Recreation at Mountain High Pictures.
Ang 58th ay tungkol sa mga biktima ng Maguindanao Massacre na naganap noong 2009. Nakasentro rito ang kuwento ni Reynaldo Momay, ang photojournalist na kinikilalang ika-58 na biktima, ngunit ang mga labi ay hindi pa rin natatagpuan.
Tampok sa animated film sina Glaiza de Castro, Mikoy Morales, Marco Masa, Zyren Dela Cruz, Biboy Ramirez, at ang yumaong aktor na si Ricky Davao bilang Reynaldo Momay.
Nauna nang ipinahayag ng Film Academy of the Philippines (FAP) na suportado nito ang 58th sa hangarin nitong mapasama sa Best Documentary Feature category sa darating na 99th Academy Awards (Oscars).





Comments