Ilang beses nang binasted, never say die… MIKA, UMAMING LUMAMBOT NA KAY WILL
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly| September 5, 2026

Photo: IG _mikslmnc
Mukhang malapit nang matapos ang single life ni Mika Salamanca dahil inamin niyang may isang suitor siya ngayon na sobrang persistent and consistent to the point na lumalambot na raw ang kanyang puso.
Sa podcast ng content creator na si Killa Kush, ikinuwento ng Sparkle artist na ayaw na muna raw sana niyang magkaroon ng love life dahil gusto niya munang mag-focus sa career matapos ang paglabas niya sa Pinoy Big Brother (PBB) house.
“Pero this person kasi, very persistent talaga kasi very consistent,” sabi niya.
Sey pa niya, maraming beses na raw niyang binasted ang guy na ito na hindi na niya pinangalanan, but for sure, may idea na ang kanyang mga fans kung sino ito.
“And ‘yung taong ‘to kasi, sobrang marespeto, so every time na binabasted ko s’ya, ‘di n’ya tine-take negatively. Parang nag-aano pa s’ya… nagpu-push pa s’ya,” she shared.
“Sobrang bait n’yang tao. So, sino ba naman ako para… kasi ilang beses na, eh,” aniya pa.
Sey pa ni Mika, “Na-feel bad ako, pero I have to be honest with him. I really have to. Kailangan kong i-communicate ‘yung nangyayari sa situation ko ngayon. Kahit masakit para sa kanya, kung ano ‘yung pakiramdam ko ngayon, kung ano ‘yung nararamdaman ko para sa kanya ngayon, mga ganu’ng moment.”
Kaya naman pinayagan na raw niyang manligaw ang lalaking ito.
“Ngayon, pinayagan ko na talaga s’ya na manligaw. And man, oh, man, ‘yun ‘yung best decision na ginawa ko sa isang tao,” pagbabahagi niya.
Siyempre, walang ibang hula ang mga fans kundi si Will Ashley, kaya naman super-happy at kilig na kilig ang mga MikWill fans sa mga sinabi ni Mika.
Haping-hapi sa piling ng mister…
CHARLIE, PROUD NA PROUD KUNG GAANO KA-SWEET AT KABUTING TAO SI CARLO
MADAMDAMIN ang naging birthday tribute ni Charlie Dizon sa mister na si Carlo Aquino sa pagdiriwang ng kaarawan ng aktor nitong Huwebes, September 3.
Nagbahagi ang aktres ng series of photos and videos ng mga memorable moments nila as a couple at makikita rito kung gaano rin kabait at ka-sweet na asawa si Carlo.
Sa isang video ay makikitang minamasahe pa ng aktor ang kanyang wifey. Sa isang clip naman ay mapapanood na nagluluto siya. May larawan din na namamlantsa siya ng damit, ipinagda-drive at pinapayungan ang misis, inaalagaan ang kanilang pet, gayundin ang kanilang mga tawanan at biruan.
Sa caption, ipinahayag ni Charlie ang pasasalamat na nakita niya ang lahat ng sides ng mister na hindi alam ng lahat, at ang pagiging totoong tao nito.
“Happy birthday to my husband, my favorite person, and my favorite view.
“These are the little moments I love the most, the ones where you’re simply being you. I’m so grateful that I get to see all the sides of you that not everyone gets to see—your kindness, patience, thoughtfulness, your silly side, and the way you love and care for the people around you,” sey ni Charlie.
Kaya naman wish daw niya ay bumalik din kay Carlo ang lahat ng ipinapakitang kabutihan nito.
“My wish for you is that life gives back all the love and goodness you naturally give to others,” aniya.
Mensahe pa ni Charlie sa kanyang hubby, “I’ll always be here, cheering you on. Happy birthday, my love @jose_liwanag.”
PATULOY ang tagumpay ng animated docu-film na 58th nina Direk Carl Joseph Papa at Glaiza de Castro matapos itong mapili sa Busan International Film Festival sa South Korea ngayong Oktubre 6 hanggang 15.
Tampok sa 58th ang kuwento ni Reynafe Castillo na patuloy na ipinaglalaban na kilalanin ang kanyang amang si Reynaldo ‘Bebot’ Momay bilang isa sa 58 na biktima ng Maguindanao Massacre noong 2009.
Naipalabas na ang 58th sa iba’t ibang international film festivals bago sumali sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong Agosto. May pa-North American premiere rin ang pelikula sa Manila International Film Festival (MIFF) sa Los Angeles ngayong buwan.
Isa rin ito sa walong pelikulang pasok sa shortlist ng Film Academy of the Philippines (FAP) na posibleng isabak sa Best International Feature Film category ng 99th Academy Awards o Oscars.





Comments