KIT, NAG-REACT SA BLIND ITEM NA NAGPUNTA SI ANA SA AMANPULO KASAMA ANG KALBONG CHINESE

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 1, 2022

Nagparamdam ang controversial actor na si Kit Thompson sa social media pagkatapos magsalita at idetalye ng girlfriend niyang si Ana Jalandoni ang nangyari sa kanila sa isang hotel sa Tagaytay City last March 18.
May ipinost na mensahe si Kit sa kanyang Facebook account, pero walang kinalaman o koneksiyon ang naturang post sa pagpapainterbyu ni Ana sa media.
It has something to do sa isang blind item na ipinost ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza sa socmed.
Narito ang blind item na ipinost ni Xian last March 19 sa kanyang FB account, “ALMUSAL BLIND ITEM: "SINETCH ITEY NA ISANG CONTINENTAL GIRLALOO ANG NAGPUNTA NG AMANPULO KASAMA ANG KANYANG 5'4" CHINESE SPONGKEY NA KALBO KAPALIT NG 250,000 PESOS? ANG NASABING LUXURIOUS VACATION AY NALAMAN NG JOWA NI BABAE TAPOS… WAIT TULOG MUNA KO AT NAPIPIKIT NA, ITULOY KO LATER PAGKAGISING. GOOD NIGHT EVREBADEH."
Ini-repost ni Kit ang blind item ni Xian sa FB account ng controversial actor. At eto ang mensahe na nakalagay sa caption ng FB post ng aktor, “Stop spreading misinformation.”
Nabasa namin ang mga comments ng mga netizens na tulad nila, kami man ay nagtataka kung bakit ini-repost ni Kit ang blind item ni Xian, na kumbaga sa gamot ay napaka-generic at wala namang pinangalanan.
“Uy, Kit, ba't ka nagre-react, eh, wala naman sinabing name si nunal.”
“Bakit nakikialam si Kit sa ek-ek na ito. Sawsawero talaga si lolo.”
Nagduda tuloy ang mga netizens sa motibo ni Kit sa pag-post ng BI ni Xian.
“Parang iba ang intensiyon ni Kit why he shared that, hehe.”
“Kaya nga, eh, parang 'di ko naman mahuhulaan kung 'di niya ini-repost, haha!”
“Oy, mambubugbog Kit! Stop spreading misinformation, eh, bakit mo ishinare 'yung post?!
'Wag kami!”
“Stop spreading fist into someone's face.”
“Kahit pa isang dosenang lalaki ang kasama niya d'yan… hindi kahit kelan magiging excuse 'yan sa pananakit mo.”
Ang huhusay ng mga netizens mag-wan-plus-wan sa pag-aanalisa ng mga bagay-bagay, huh?
So, si Ana nga kaya ang tinutukoy ni Xian sa kanyang BI na nagpa-“spongkey” (sponsor is the key) sa isang Chinese guy worth P250K???!





Comments