top of page

Ikakasal na raw sa December... CARLA: 'AKIN NA LANG 'YUN’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 11
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 11, 2025



Carla Abellana

Photo: IG @carlaangeline



Nagmamadaling umalis ang Kapuso actress na si Carla Abellana pagkatapos ng MMFF Announcement kahapon dahil may 7 PM event pa raw siya, pero nagawa pa rin niyang pagbigyan ng interview ang ilang press people.


Napansin naming bumalik na talaga ang kinang ng mga mata ni Carla at halatang masaya nga ang puso niya ngayon.


Hindi naman niya ito itinanggi dahil ipino-post pa nga naman niya sa Instagram ang date nights nila ng kanyang bagong prince charming na isa umanong doktor.


Pero nang tanungin namin si Carla kung totoo bang ikakasal na siya sa December tulad ng mga napabalita ilang araw pa lang ang nakalilipas, sagot ng aktres, “Kung totoo man po ‘yun o hindi, of course that’s part of my private life and I would like to keep it private. Sa dami naman po ng aking pinagdaanan na na-publicized before, may choice naman po ako kung ilalabas ko ‘yun or hindi. So kung may kailangan po akong sabihin, sa akin manggagaling ‘yun nang diretso, hindi sa iba.”


At sa tanong namin kung totoo bang engaged na siya, ang sagot lang nito, “I invoke my right to self incrimination, so i refuse to say yes, I refuse to say no.”

Ohhh! So, alam na this!


Anyway, bukod sa doktor na nagpapasaya sa kanyang puso ngayon, isa pang nagpapasaya sa aktres ay ang mga trabahong dumarating sa kanya tulad na lang nitong Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins ng Regal Films. 


Nakagawa na dati ng SRR movie si Carla, ang Punerarya episode na isa pa nga sa mga favorite namin dahil sobrang scary talaga, kaya excited siyang may MMFF entry uli siya at Shake, Rattle & Roll pa uli.  


Ani Carla, good news sa kanya ‘pag laging may trabaho para may maipakain sa kanyang mga fur babies at may maipambayad ng kanyang taxes.

Bongga!!!



Less talk, less mistakes...

SYLVIA, TIKOM PA RIN ANG BIBIG SA ISYU NI ARJO



Naging emosyonal ang aktres at Nathan Studios producer na si Sylvia Sanchez nang ang entry nilang I’mPerfect ang unang tinawag ni MMDA Chairman Atty. Don Artes bilang isa sa final four official entries sa Metro Manila Film Festival this year.


Kung matatandaan, last July inianunsiyo ang first 4 official entries sa MMFF na kinabibilangan ng Call Me Mother nina Vice Ganda at Nadine Lustre, directed by Jun Robles Lana; Rekonek starring Carmina Villarroel, Gloria Diaz, Alexa Miro, Gerald Anderson, and Zoren Legaspi, directed by Jade Castro; Manila's Finest starring Piolo Pascual, directed by Rae Red; at Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins na tatampukan nina Richard Gutierrez, Ivana Alawi at Carla Abellana.


Sa ginanap na 51st MMFF Announcement kahapon sa University of Makati, nanguna nga sa mga pumasok ang movie ni Ms. Ibyang at nakasama rin ang Love You So Bad starring Will Ashley, Bianca De Vera, and Dustin Yu, directed by Mae Cruz Alviar; UnMarry starring Zanjoe Marudo and Angelica Panganiban, directed by Jeffrey Jeturian; at Bar Boys: After School starring Will Ashley, Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda at Kean Cipriano, directed by Kip Oebanda.


Kaya nang makausap namin ang aktres-producer after the announcement, tinanong namin siya kung bakit ganu’n kaemosyonal nang mapili ang I’mPerfect, na by the way, pagbibidahan ng ilang batang may down syndrome at magiging support lang ang mga malalaking artista natin tulad nina Sylvia at Ms. Lorna Tolentino.


Paliwanag ni Ms. Ibyang, marami raw kasi silang pinagdaanan simula last year pa para lang mabuo ang I’mPerfect na pinagdudahan pa nga ng ilan kung kakayanin ba ng mga batang may down syndrome na umarte.


Pero dahil nagtiwala si Ibyang na kailangan lang ng magaling na direktor at si Direk Sigrid Bernardo nga ang nahanap niya, ayan at nakapasok pa sa MMFF ang pelikula, na sa trailer pa lang, nakakaiyak na nang bongga!


Anyway, walang nakapagtanong kay Sylvia tungkol sa pagkakasangkot ng anak niyang si QC 1st District Congressman Arjo Atayde sa isyu ng flood control dahil nauna na rin namang nagpasabi ang isang malapit dito na ‘wag na munang tanungin ang aktres dahil hindi pa ito handang magsalita, although may mga ginagawa naman daw aksiyon ang pamilya Atayde para malinis ang pangalan ni Cong. Arjo.


Tama naman at totoo sa sitwasyon nila ang kasabihang “Less talk, less mistakes” dahil look, mga Ka-Bulgar, nang magsalita si Maine Mendoza para ipagtanggol ang asawa, lalo itong na-bash.

Oh, ‘di ba?


Anyway, tulad ng nakasanayan na taun-taon, ang MMFF 2025 Parade of the Stars ay gaganapin sa December 19 na susundan ng official start of screenings sa December 25.

Ang Gabi ng Parangal ay sa December 27 at pramis ni Chair Artes, walang pelikulang tatanggalin sa sinehan during the festival at kung meron mang mahina ang hatak sa manonood, mababawasan lang ang bilang ng sinehan nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page