Japanese businesswoman daw… DEREK, APEKTADO ANG BONDING SA ANAK NILA NI ELLEN DAHIL SA BAGONG DYOWA
- BULGAR

- Jun 25
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 25, 2026

Photo: YT Kuan On One
Maugong sa social media na may bagong dyowa na si Derek Ramsay. May larawan siyang kasama ang magandang girl na isang Filipino-Japanese businesswoman at Rose Guevarra raw ang pangalan nito.
Pero wala pang ibang detalye na inilalabas sa media si Derek, kaya naman inaabangan ng lahat ang kanyang mga posts tungkol sa bago niyang inspirasyon.
Tiyak na aabangan din kung ano ang magiging reaksiyon ni Ellen Adarna kapag nakumpirma na ang tungkol sa bagong GF ng kanyang ex-mister. Oo nga’t hindi siya naghahabol sa kanyang mga ex-partner, pero tiyak na hindi makakaligtas si Derek sa mga patutsada ni Ellen.
At posibleng malimitahan din ang pagpapahiram nito kay Derek ng kanilang anak na si Lili kapag nakumpirmang may bago nang GF ang aktor.
Dating bida, ginawang kontrabida…
KRIS, NA-FEEL NA LAOS NA SIYA NANG MAGBALIK SA GMA-7
AMINADO si Kris Bernal na nagkaroon siya ng feeling of insecurity nang sa kanyang pagbabalik sa showbiz ay kontrabida role ang ibinigay sa kanya ng GMA-7.
Dati-rati kasi ay lead role siya sa kanyang mga serye sa Kapuso Network. Sumikat din nang husto ang tambalan nila noon ni Aljur Abrenica, ang AlKris love team.
Nang magpakasal ang aktres sa businessman na si Perry Choi, nag-lie-low siya sa kanyang showbiz career. Naging full-time wife at mom siya.
Pero hinahanap ng kanyang sistema ang buhay-showbiz, kaya nagbalik si Kris at muling sumabak sa TV series.
‘Yun nga lang, hindi na siya ang bida. Kaya hindi niya naiwasang magtanong kung laos na ba siya kaya kontrabida role na ang ibinibigay sa kanya ngayon.
Ganunpaman, iniisip na lang ni Kris na ang magkaroon ng trabaho at pagkakataong muling umarte na kanyang dasal noon ay natupad na. Kaya okay lang na subukan niyang gawin at gampanan ang iba’t ibang roles. Dito masusubok ang galing niyang umarte.
Marami rin namang TV guestings si Kris Bernal sa iba’t ibang shows ng GMA-7.
Samantala, nai-share rin ni Kris Bernal na kahit matagal silang naging magka-love team ni Aljur Abrenica, hindi sila nagkatuluyan sa tunay na buhay. Inamin ng aktres na sinubukan nilang magkaroon ng relasyon noon, ngunit hindi ito nagtagal dahil hindi sila magkasundo ng ugali. Para raw silang aso’t pusa na laging nag-aaway.
SA araw na ito ay gaganapin ang 17th Star Awards for Music na idaraos sa Teatrino, Greenhills.
Sa pamumuno ng Philippine Movie Press Club (PMPC) President na si Fernan de Guzman, matagumpay na napili ang mga deserving winners sa iba’t ibang kategorya.
Ang 17th Star Awards for Music ay produced ng Echo Jham Entertainment Production at ididirek ni Calvin Murphy Neria.
Bukod sa paggagawad ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award kina Celeste Legaspi at Andrew E., pararangalan din si Mon del Rosario bilang Levi Celerio Lifetime Achievement awardee.
Ang grupong Rainmakers naman ang gagawaran ng Natatanging Alagad ng Musikang Pilipino Award. Ito ay pagkilala rin sa kanilang 50th anniversary sa music industry.
Ang mga hosts ng 17th Star Awards for Music ay sina Jayda Avanzado, Marthena Jickain, Dylan Menor at Jarren Garcia.
Ilan sa mga performers ay sina Moira at Sam Concepcion.
Si Vice Ganda ang nanalo para sa Christmas Song of the Year para sa awiting Rainbow Christmas. Ilan pa sa mga winners ay ang BINI at si Juan Carlos.
Ang grupong Salbakuta ang magpe-perform bilang tribute kay Andrew E., na isa sa mga Pilita Corrales Lifetime Achievement awardees.





Comments