top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ika-2 sunod na panalo target ng Kaya FC Iloilo sa Copa Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 19, 2023



Mga laro ngayong Sabado – Rizal Memorial Stadium

4 p.m. Adamson vs. Mendiola 1991

6:30 p.m. Kaya Iloilo vs. Don Bosco Garelli


Hahanapin ng Kaya FC Iloilo ang kanilang ikalawang sunod na panalo laban sa Don Bosco Garelli sa pagpapatuloy ng 2023 Copa Paulino Alcantara sa Rizal Memorial Stadium ngayong Sabado simula 6:30 p.m. Bago noon ay ipaglalaban ng Adamson University ang kanilang pag-asang makapasok sa playoffs kontra sa Mendiola FC 1991 sa 4 p.m.


Kung gagamiting batayan ang una nilang laro, isang 7-0 tambakan sa Loyola FC noong Agosto 12, nagpadala ang Kaya ng malagim na mensahe sa mga makakalaro. Gumana agad ang kanilang mga bagong pirma na sina Justin Baas na may dalawang goal at tig-isa kay Ricardo Sendra, Abou Sy at Mark Swainston habang may dalawa kay bagong talagang kapitan Fitch Arboleda.


Galing ang DBG sa mapait na 0-4 talo noong Agosto 13 sa UAAP champion Far Eastern University na humugot ng tig-2 goal kay Martini Rey at Selwyn Mamon. Kahit hindi na mapapabilang sa playoff, nais ng DBG na tapusin na positibo ang kanilang kampanya at wakasan ang kanilang apat na talo.


Isang talo pa ay tanggal na rin ang Adamson sa playoff at wala pa silang maipakitang tagumpay sa tatlong laro. Gustong bumawi ng Mendiola mula sa masaklap na 3-3 tabla sa Davao Aguilas sa pagbukas ng kanilang Copa noong Agosto 12. Patungo na ang Brave Men sa 3-2 panalo subalit nakalusot ng goal sa ika-94 minuto si Marvin Angeles ng Aguilas para paghatian nila ang puntos.


Samantala, bubuksan ng Dynamic Herb Cebu FC ang kampanya sa pagsalubong sa University of the Philippines ngayong Linggo sa Dynamic Herb Sports Complex sa Cebu simula 5 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page