top of page
Pokwang.jpg

Iiwan na raw ng labs mo, Ion, nag-iiyak…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2020
2 min read

RYAN BANG, IPINAGSIGAWANG 'DI KAYANG MABUHAY NANG WALA SI VICE

Julie Bonifacio - @Winner | December 18, 2020




Malaman at puno ng emosyon ang mga sinabi ni Vice Ganda kay Ryan Bang sa It's Showtime. Ibinuking ni Vice na umiyak sa kanya kamakailan ang co-host dahil plano raw niyang iwan ito.


Say naman ni Ryan, 'di niya kayang mag-survive without Vice. Hindi lang kasi basta magkasama sa It's Showtime ang dalawang hosts. Nagkaroon pa sila ng ibang relasyon at knows naman ng madlang pipol na "mag-ina" ang turingan nina Vice at Ryan.


Pinagsabihan ni Vice si Ryan na hindi 'yun ang tamang sabihin ng Koreanong host, bagkus, in-encourage niya ito to find his inner strength.


“Pinapagalitan ko siya," bulalas ni Vice.


“No, ayoko ng lampa. Kung lampa ka, hindi kita anak. You have to be your own strength. I can’t be your strength all the time."


Hindi raw dapat umasa si Ryan na nandiyan siya forever para sa Korean host.


“Darating ang oras na iiwanan kita, Ryan. At dapat, kaya mo ‘yun. At dapat, ngayon pa lang, handa ka ru'n,” sabi ni Vice kay Ryan.


Nag-react naman si Ryan sa sinabi ni Vice, "Bakit tayo maghihiwalay? Bakit hindi tayo magkikita, eh, sasama nga ako sa 'yo kahit saan ka pumunta?" pangungulit ni Ryan kay Vice.


Paglilinaw ni Vice, "Hindi tayo maghihiwalay kasi karugtong ka ng puso ko. But physically, we will have to be away from each other in time."


Sumang-ayon naman si Ryan sa kanyang "nanay-nanayan."


“Promise, hindi ako nagpapatawa, malayo pa ‘yan. Gusto ko, magkasama tayo more than 20, 30, 40 years,” sweet na mensahe ni Ryan kay Vice.


Samantala, sa ginanap na "house raid" ni Vice sa kaibigan at isa sa mga momshies ng Magandang Buhay na si Karla Estrada ay maraming nadiskubre sa bahay ng ina ni Daniel Padilla.


Ibinuking ni Vice ang mga pagkaing nakatago sa ilalim ng kama sa kuwarto ni Karla. Sinubukan pang itanggi ni Karla na sa kanya 'yung mga junk food na nakatago ru'n.


Isa pang nabuking ni Vice sa bahay ni Momshie Karla ay ang 'di nito paggamit sa mamahaling dining table nila sa bahay.


May improvised table na isine-setup o naka-setup sa katapat ng mamahaling dining table ni Momshie Karla. Dito raw sila kumakain lalo na't wala naman silang bisita.


At pagkatapos mag-house raid ni Vice para sa kanyang YouTube channel, nagkayayaan na ang matagal nang magkaibigan na mag-happy-happy sa loob ng bahay ni Momshie Karla.


Pangungunahan ni Vice at ng mga momshies sa Magandang Buhay ang nalalapit na Christmas special ng Kapamilya Network, ang Ikaw ang Liwanag at Ligaya (The ABS-CBN Christmas Special 2020), sa December 20, Linggo.


Mula 12 NN hanggang 7 pm ay magkakaroon ng pre-show sa mga sumusunod na platforms gaya ng IWantTFC, TFC at KTX & Kumu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page