Iisa ang dahilan ng mga ex… KEN, LAGING INIIWAN KAYA TAKOT NANG MAGMAHAL
ni Nitz Miralles - @Bida | November 12, 2022

Dahil sa inamin ni Ken Chan sa podcast interview ni Nelson Canlas na maraming beses na siyang na-‘ghost,’ gusto sanang malaman ng mga netizens kung sino ang mga nang-ghost sa Kapuso actor. Magbigay daw siya ng clue kahit bumalik siya sa Updated with Nelson Canlas to name names, na siguradong hindi gagawin ni Ken.
Sabi ni Ken, “Maraming beses, Kuya, maraming beses na. Ako ‘yung iniwan. Most of the time...
lagi nilang sinasabi, Kuya, wala raw akong time, which is totoo. Kaya rin ako natatakot at kung bakit wala akong karelasyon ngayon. It’s because takot ako, eh, natakot na ako. Para akong nagkaroon ng phobia, Kuya Nelson, na iwan ulit nang dahil sa time."
Binanggit ni Ken ang schedule niya sa showbiz at ang pag-aasikaso sa marami niyang negosyo na rason kung bakit wala siyang oras at rason kung bakit siya nago-ghost.
May pumalag sa sinabi niyang ito dahil kung talagang mahal daw niya ang isang tao, maglalaan siya ng oras para mabisita man lang o makumusta.
Sa tanong ni Nelson kung naranasan na niyang mag-‘ghost', nagpakatotoo si Ken sa kanyang sagot.
“Ayoko naman kasing magpakalinis... pero hindi ko masasabing ghinosting ko, Kuya, kasi nagsabi ako ahead of time at kinausap ko in person. Kasi, para sa akin, ang ghosting, ‘yung bigla na lang nawala na walang pasintabi.”
Nilinaw ni Ken na hindi artista ang ghinosting niya at hindi rin daw ibig sabihin ay hindi siya iibig sa kapwa artista. Gusto lang niya sana na hindi from showbiz ang mamahalin.
Dahil wala siyang time, mahihirapan pa rin siyang maghanap.





Comments