Iimbestigahan sa prostituion, obscenity... LGBTQ+ offices ni-raid, 47 inaresto

ni Justine Berganio @Overseas News | September 15, 2026

Photo: Mga Turkish police sa labas ng isang nightclub kaugnay sa raid operation sa Istanbul, September 13, 2026 - AFP
Hinuli ang hindi bababa sa 47 katao matapos salakayin ng Turkish authorities ang mga tanggapan ng LGBTQ+ associations sa magkakahiwalay na operasyon kaugnay ng imbestigasyon sa prostitution at obscenity.
Ayon sa mga prosecutor, isinagawa ang mga raid sa 12 probinsya laban sa 38 na suspek, kung saan 26 ang nadakip. Nasamsam umano ang drugs, digital equipment, smuggled alcohol at isang baril.
Sa Ankara, 21 pa ang inaresto kaugnay ng imbestigasyon sa LGBTQ+ group na Kaos GL, habang lima pa ang pinaghahanap. Iginiit naman ng grupo na nasa 50 activists ang na-detain, kabilang ang mahigit 10 na kinuha sa kanilang mga tahanan.
Kasabay ng operasyon, hinarangan din umano ang access sa ilang websites at social media accounts ng LGBTQ+ organizations at rights advocates.
Sinabi ng gobyerno na bahagi ito ng kampanyang “My Family is Safe” para protektahan ang family values, habang ipinapaliwanag ng mga awtoridad na may alegasyon ding hindi wastong impluwensya sa mga bata at kabataan tungkol sa sexual orientation at gender identity.
Samantala, kinondena ng rights groups at European Parliament rapporteur ang crackdown, na anila’y lalong nagpapahigpit sa kalayaan at karapatan ng LGBTQ+ community sa Turkey.
ANTI-IMMIGRANT PROTEST, TUMITINDI, 2 KATAO TODAS
PATAY ang dalawang Nigerian nationals sa magkahiwalay na insidente sa South Africa, habang tumitindi ang tensyon dahil sa anti-immigrant protests sa bansa.
Ayon sa Nigerian Foreign Ministry, pinatay si James Uchechukwu Nwankwo matapos umano ang “gruesome interrogation techniques” ng mga pulis sa Cape Town noong Setyembre 5.
Samantala, natagpuang patay sa kanyang tirahan sa Kensington, Johannesburg si Bishop Taiwo Michael Fakunle noong Setyembre 4. Hindi pa tinukoy ang suspek o motibo sa kanyang pagkamatay.
Sinabi ng Nigerian government na nagbubukas ang dalawang insidente ng tanong sa kaligtasan ng mga dayuhan at sa kakayahan ng South African authorities na pigilan ang mga pag-atake laban sa mga dayuhan.
Matagal nang dinarayo ng mga dayuhan ang South Africa dahil sa mas maraming oportunidad, pero nakararanas din sila ng paminsan-minsang xenophobic violence. Sinisisi naman ng ilang protesters ang mga foreigner sa mataas na unemployment, krimen at pressure sa public services.





Comments