Iika-ika, ‘di inoperahan… MARICEL, NAPAGALING NG NO. 1 DOK SA SINGAPORE, NAKAKALAKAD NA
- BULGAR

- 21 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 22, 2025

Photo: FB Maricel Soriano
Nakakalakad na nang maayos si Maricel Soriano (Maria) matapos sumailalim sa isang medical procedure sa Singapore kamakailan. Matatandaan na earlier this year ay paika-ikang maglakad ang Diamond Star dahil sa kanyang iniindang sakit.
Sa kanyang vlog noong Abril, ipinagtapat niya ang kanyang medical condition.
“Kasi ‘yung spine ko, may arthritis hanggang leeg ko. Tapos, noong first na-experience ko ‘to, in-injection-an na ako sa likod. Tapos, ‘yung sumunod, dahil hindi pa nawawala ‘yung pain kasi side lang, eh, so ginawa nila mismong sa spine nila ako sinaksakan ng steroids,” pagbabahagi ni Maria sa vlog.
“Matagal bago nag-effect kaya iika-ika akong maglakad. ‘Yung paa ko, ang liit, manhid. Parang may mga karayom na tumutusok,” dagdag pa niya.
Bukod dito, mayroon din daw siyang pinched nerve. Ang payo sa kanya noon ay magpaopera, pero hangga’t maaari ay ayaw niya, kaya naghahanap pa siya ng ibang options.
Good thing, nakakita siya ng lunas na hindi na kinailangang magpaopera — ang discoplasty, na sa Singapore niya ipinagawa.
“‘Yung ginawa nila, ‘yung back ko muna,” kuwento ng aktres sa latest interview niya with Bianca Gonzalez on TFC’s BRGY S4.
“Alam mo, ang galing nila. Kasi walang operation na naganap. Ang tawag nila doon sa ginawa sa akin ay discoplasty. May 8 holes ako sa likod, tapos robotics na ‘yung gumawa,” pagbabahagi niya.
Pagkatapos ng procedure, agad na nawala ang kanyang sakit at nakalakad na siya nang maayos.
“Pagtayo ko, wala nang masakit. Instantly, magaling na ako. Parang nagdahilan lang ako,” aniya.
“He’s so good. He’s No. 1 in Singapore,” ang papuri pa ni Maria sa doktor na nagpagaling sa kanya.
Ayon pa sa premyadong aktres, masayang-masaya siya sa kanyang paggaling dahil timing na may ginagawa siyang pelikula noon, ang Meet, Greet & Bye (MGB).
“Tuwang-tuwa nga kami kasi mas kailangang-kailangan ko na mas maging maliksi sa scenes na gagawin namin. Nagampanan ko naman, salamat sa Diyos,” sey ng Diamond Star.
Kahit napilitan lang, no choice…
MIKA, IPINABURA ANG MGA TATTOO PARA MAGKA-PROJECT
IPINATANGGAL na ni Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) Big Winner Mika Salamanca ang ilan sa kanyang mga tattoo bilang paghahanda sa mga future projects niya.
Sa TikTok (TT) video na ipinost ng Aivee Clinic, kung saan siya nagpa-laser removal ng kanyang mga tattoos, ipinahayag ng Sparkle artist na hindi ito naging madaling desisyon para sa kanya.
Aniya, mahal niya ang lahat ng tattoos niya at may meaning ang mga ito.
“This is hard for me because I love my tattoos and all of them have meanings. And before ko sila ipalagay, talagang pinag-iisipan ko.
“Pero nag-decide akong ipa-remove ‘yung some of my tattoos kasi kailangan ko for
acting, kailangan ko para sa mga future projects,” paliwanag ng dalaga.
Pag-amin niya, “Nahihirapan ako ‘pag may taping, may brands, na kailangan silang takpan.”
Pero hindi raw forever ang pagtigil niya sa pagpapa-tattoo. Kumbaga, break lang muna ito.
“Kahit bata pa ako, I really love tattoos, so I don’t think na titigil ako ever na magpa-tattoo. It’s just that siguro, pause lang ngayon,” aniya.
At kung kailan ulit niya ibabalik ang mga tattoos, sey niya, “I think in the future ‘pag nag-decide na lang ako na mag-focus sa music, but for now, removal na muna.”
Sa video ay makikitang tinatanggal ang tattoo sa kanyang kamay, braso, at mga daliri. Si Mika Salamanca ay may 21 tattoos sa kanyang katawan na iba-iba ang disenyo.








Comments