Idol daw siya ng aktor… WILLIE, IBINUKING NA GINAYA NI COCO ANG BAHAY AT MGA GAMIT NIYA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 31, 2021

Hindi makakalimutan ni Willie Revillame ang pagpapakumbaba na ginawa sa kanya ni Coco Martin.
Kuwento niya matapos ang video birthday greetings sa kanya ni Coco na inere sa Wowowin, nagpunta raw before ang aktor sa kanyang rest house sa Tagaytay.
“Si Coco Martin, hindi man kami close, pero there was a time, nasa Tagaytay ako, pumunta ho 'yan kasama si John Estrada.
“He went there para sabihan ako, ‘Kuya Willie, idol ko po kayo,’ sabi niya,” tsika ni Willie.
Papuri pa niya kay Coco, “A humble guy, Coco Martin. Isipin mo, hindi pa siya Ang Probinsyano noon, pero there was a time, gusto lang niya akong ma-meet. Hindi ko makakalimutan 'yun, Coco, nagpakumbaba ka sa akin.”
Kuwento pa ni Willie, gusto raw makita ni Coco ang bahay niya sa Tagaytay at gagayahin daw nito ang kanyang mga furniture.
“Gusto mo lang ako makilala at gusto mong makita 'yung bahay ko sa Tagaytay at gagayahin mo 'yung mga furniture at 'di ba, tinanong mo sa akin kung sino ang nag-garden niyan, nag-landscape?” sey ni Willie.
Isa si Coco sa mga bumati sa 60th birthday ni Willie last Jan. 27 at mensahe niya sa TV host, nawa’y lalo pa itong pagpalain ng Diyos dahil napakarami raw nitong natutulungan.





Comments