Idol daw niya... JULIE ANNE, ATRAS SA SHOWDOWN NILA NI SARAH
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 26, 2023

Diretsong inamin ni Julie Anne San Jose na mahihirapan siyang mabuhay nang wala ang boyfriend na si Rayver Cruz.
Sa Fast Talk with Boy Abunda aired last Wednesday ay guest si Julie Anne at ang isa sa mga katanungan sa kanya ay kung kaya ba niyang mabuhay without Rayver.
Sagot ng Asia’s Limitless Star, “I think it would be hard.”
She explained, “Kasi, matagal ko na rin pong kilala si Ray. I don’t see him just as a partner but also my best friend. So, he’s someone I can count on 'pag may mga problems ako.
“Kumbaga, best friend ko talaga siya. Lahat, sinasabi ko sa kanya. He knows everything about me, what I’m going through, and kung ano ‘yung mga ups and downs. And you know, it’s hard to live without someone na talagang. . . alam mo ‘yun, special sa ‘yo, tapos ‘yung talagang kinakapitan mo sa lahat ng bagay.”
Isa pang tanong sa Kapuso actress-singer ay kung kaya ba niyang labanan si Sarah Geronimo sa isang back-to-back concert.
“Oh, my God,” natatawang sambit ni Julie Anne, “Na-pressure ako.”

Aniya, “Unang-una, Tito Boy, hindi po ako lalaban because there is only one Sarah Geronimo.
There can only be one Sarah Geronimo.”
Pero game raw siya na maka-duet si Popstar dahil labis niya itong hinahangaan.
“It would be an honor of course na maka-duet po si Miss Sarah because I really look up to her.”
But if ever na talagang magkakaroon ng opportunity na magkaroon nga sila ng back-to-back concert, ani Julie Anne ay more on maghahanda raw siya at hindi para labanan.
“She’s one of the people that I really look up to and isa siya sa mga naging influences ko rin sa music,” she said.
Ni-recall pa niya na naging choir member siya sa isang church sa may Mindanao Avenue malapit sa tirahan ni Sarah at nakita raw niya minsan si Popstar na nag-perform sa nasabing simbahan.
“Nag-fangirl talaga ako,” natatawa niyang sambit. “So, it would be such an honor. I love her.”





Comments