Idinispley sa IG… IZA, KARGA ANG ANAK HABANG PUMUPUPU
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 17, 2023

May post si Iza Calzado sa kanyang Instagram account nu'ng Mother's Day para sa lahat ng mga ina.
Viral ang post ng first time mom kung saan makikita ang dalawang photos. Una, karga ni Iza ang anak na ang background nila ay napakaganda at napapalibutan ng mga flowers.
At 'yung second photo, habang nakaupo si Iza sa "trono" sa loob ng comfort room ay karga niya ang kanyang baby.
Caption ni Iza sa IG post niya, "MOTHERHOOD. Vision - Reality"
Tapos ay binati rin niya ang lahat ng mga ina, “Happy Mother’s Day to all the amazing super mamas out there!!!!”
May mga naka-relate naman kay Iza na nagkomento sa kanyang post.
“Mare!!!!!!!!!!!!!! Super true 'yan!!! At kahit 6 yrs. old na siya, tatabi pa rin sa banyo!!!!!” ani Jolina Magdangal sa comments section.
“Sa REALITY ako!!!! Love you and Deia,” sey naman ni Bianca Gonzalez.
Komento ni Pia Guanio, “Ikaw lang gorgeous while on the potty."
In fairness, kahit walang makeup si Iza, napakaganda pa rin.





Comments