Idinispley, fans bilib na bilib… HOTEL-RESTO NI WILLIE SA TAGAYTAY, MALA-PARAISO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 22, 2022

Nakakalula ang ganda ng hotel-resort na ipinapatayo ni Willie Revillame ngayon sa Tagaytay.
Ipinasilip ng TV host sa kanyang Wowowin show ang ipinapagawang hotel na pinangalanan niyang Eru. Halos tapos na nga ang construction nito at hindi pa nga lang daw nagbubukas because of the pandemic.
Ipinakita ni Willie ang mga larawan ng mga rooms ng hotel at super-bongga naman talaga na hindi kataka-taka dahil hands-on siya sa pagpapatayo nito at kilala naman natin ang TV host na talagang perfectionist.
Sa kasalukuyan nga ay dito sa Eru Hotel-Resort nagsasagawa ng live broadcast ang Wowowin habang nasa alert level 3 ang NCR.
“Wala pa kaming management, wala pang nagma-manage ng hotel, wala pa ring nagma-manage ng restaurant. Pero abangan n’yo ‘yung restaurant na bubuksan dito, it’s really a beautiful place, para kang nasa Santorini (Greece),” ani Willie.
Tatlong hektarya ang lawak ng property located at Iruhin, Tagaytay at 1 hectare pa lang daw sa ngayon ang nade-develop.
“'Yung 2 hectares ho, inaayos pa ‘yan. Para ring mga private houses po ‘yan. Tawag naman diyan ay Eru Estate,” sey niya.
Abut-abot naman ang puri ng mga netizens sa bagong hotel-resort at manghang-mangha sila sa ganda nito.
“Wow, para akong nakakita ng isang paraiso. Ang ganda ng hotel and resort mo, Wil. Mabuti ka kasing tao kaya hindi ako nagtataka na lalo ka pang pinagpapala ng ating Panginoong Diyos. I pray na bigyan ka pa ng mahabang buhay ni Lord in JESUS MIGHTY NAME, AMEN,” komento ng isang netizen.
“Napakaganda po, Kuya Wil, ng resort mo sa Tagaytay. Tunay kang pinagpala dahil may mabuti kang kalooban. Sa dami ng iyong natulungan, ipinagdarasal ka ng lahat ng mga 'yan.
Tunay na ikaw ang ginawa ng Panginoong Hesukristo na maging daluyan ng biyaya na nagmumula sa Panginoong Jesus. Sana, humaba pa ang buhay mo, Kuya Wil, at maipagpatuloy mo ang mabuting gawaing nasimulan mo. More power, WE LOVE YOU, GOD BLESS,” pahayag naman ng isa pa.
“Ang ganda Kuya Wil ng view, grabe. Humanga ako pagkapanood ko,” reaksiyon naman ng isa pa.





Comments