top of page
Search
  • BULGAR

Idinispley ang mga luxury gifts sa misis… NETIZENS KAY ANDREW E: KATAS NG UNITY!

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 15, 2022


Umaani ng batikos ngayon ang singer-rapper na si Andrew E. matapos kumalat ang Facebook post niya kung saan makikitang mukhang nag-shopping galore siya ng iba't ibang luxury items tulad ng Gucci at Coach para iregalo sa kanyang misis na si Mylene.


Sa kanyang caption, ang nakalagay ay: “Your happiness is my happiness Tweety,” at itinag ang misis na obviously, tuwang-tuwa sa picture sa dami ng ipinamili para sa kanya ni Andrew.


It seems kuha ang naturang larawan sa Los Angeles, California kung saan nagkaroon ng mga shows si Andrew since last September pa at mukhang bitbit nga niya ang kanyang pamilya dahil nakita naming hindi lang ang misis ang ipinag-shopping ni Andrew kundi pati ang kanyang anak na lalaki.


At tulad ni Toni Gonzaga na kilalang PBBM supporter at hayagang nangampanya para kina President Bongbong Marcos at VP Sara Duterte nu'ng campaign period, mainit din ang mga mata ng mga Kakampink kay Andrew E.


Kaya naman dahil sa post niyang ito ng mga luxury items, na-trigger ang ilang netizens at kung anu-anong pamba-bash ang sinabi kay Andrew na nag-perform para sa Uniteam's sorties.


“Ang katas ng Unity! Tamis ba, Andrew E?” sabi ng isang Twitter user.


Dagdag naman ng isa, “Galing sa madumi ipinambili sa mga 'yan.”


Mas harsh naman ang hirit ng isa pang netizen, “Hayaan mo na’t matagal-tagal din namang nagutom 'yang si Andrew Panget. Pero to splurge on luxury brands, meron lang binabagayan niyan.”


“31M look, ohh, sila lang nabigyan ng Gucci, Coach & everything, kayo nganga pa more… All Lokoh…,” pang-aasar pa ng isa.


Kung matatandaan, bago ito, nu'ng eleksiyon ay napabalita ring binigyan diumano ng dalawang sports car si Andrew bilang kapalit ng pangangampanya niya kina PBBM at VP Sara pero itinanggi na rin 'yun ni Andrew E.


Well, pakinggan muna natin ang sasabihin ni Andrew, baka naman malaki ang kinita niya sa mga shows niya sa US at ito ang ipinang-shopping galore niya, 'no!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page