top of page
WINNER - TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG-IG _reallysharoncuneta.jpg

Idinidispley para magselos si Rhian… SAM AT FAITH, SPOTTED SA CONCERT, FRIENDS LANG DAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 26, 2026



SPECIAL - SAM AT FAITH, SPOTTED SA CONCERT, FRIENDS LANG DAW-FB Circulated

Photo: Circulated



Uso na naman ngayon ang linyang “We’re just friends” sa showbiz.

Ito raw kasi ang naging pahayag ng Kapuso actress na si Faith Da Silva nang matanong kung ano ba talaga ang real score sa kanila ng businessman-TV host at minsan ding tumakbong mayor ng Maynila last 2025 elections na si Sam Verzosa a.k.a. SV.


Napapadalas kasi ang pagsasama ngayon nina SV at Faith in public. Last May 16 ay nakita silang nanood sa concert ni Jessica Sanchez sa Smart Araneta Coliseum.


Nakita rin silang magkasamang um-attend sa birthday party ng showbiz reporter na si Jun Lalin kamakailan.


At may mga posts din si Sam na business-related events kung saan si Faith din ang bitbit niya.


Kaya naman, kahit sinabi ni Sam Verzosa na 5 yrs. na silang magkaibigan ni Faith, ayaw kagatin at paniwalaan ng mga netizens ang press release nilang “We’re just friends.”

May mga netizens namang nagko-comment na baka pinagseselos lang ni SV ang ex-girlfriend na si Rhian Ramos kaya panay ang display niya kay Faith in public.


Tila gusto raw ipamukha ni SV na mabilis siyang naka-move on sa paghihiwalay nila ni Rhian kahit pa 4 ½ yrs. ding tumagal ang kanilang pagsasama, na inakala nga ng iba na papunta na sa altar.


Well, payo naman ng ilang netizens kay Faith, ‘wag daw itong pumayag na maging “trophy GF” lang ni SV dahil deserve niya ‘yung lalaking kaya siyang ipagmalaki.





PAGKATAPOS mag-post ng mga kaibigan ni Bea Alonzo na sina Dimples Romana at Bea Saw ng kani-kanilang pictures ng bakasyon nila sa Spain, si Bayani Agbayani naman ang nag-post ng video na tila namimitas ng orange at sinabi ngang nasa Spain siya, kaya nalaman ng mga netizens.


Nagduda pa nga ang ilang netizens at umasang baka tuloy na talaga ang kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co sa Spain dahil bakit daw pupunta pa roon ang mga kaibigan niya kung hindi naman pala tuloy ang kasal.


At hindi lang basta kaibigan ni Bea si Bayani kundi halos kapamilya na rin dahil ang isang anak ng komedyante ay asawa ng younger brother ni Bea.


Pero ang basa naman namin d’yan, baka nanghinayang lang si Bayani na hindi magamit ang nabili nilang ticket kaya kahit hindi natuloy ang kasal ay nagpunta na rin sila ng kanyang asawang si Lenlen.


Anyway, balik-bansa na nga si Bea Alonzo at nagte-taping na raw uli ng kanyang serye sa GMA-7 na Whispers From Heaven, kaya ibig sabihin lang, walang kasal na mangyayari soon.

‘Yun na!





PINAGPIYESTAHAN ang sexy photoshoot ng singer na si Darren Espanto para sa kanyang 25th birthday last May 24.


Nag-post si Darren sa kanyang Facebook account ng mga sexy pose niya kung saan may pa-sighting pa siya ng kanyang nipples, just to show siguro na mature na siya at the age of 25.


May mga pumuri kay Darren na ang “hot” nga raw ng dating at pinagpapantasyahan siya.


Pero may mga nabasa rin kaming comments na sinabihan siyang “bading”.

Naku, ‘no?! I’m sure, gusto lang magpapansin ng ilang netizens na ito kay Darren kaya tinawag siyang bading. Siyempre nga naman, ‘pag pinansin sila ni Darren, issue at sikat sila, ‘no?!


Mukhang secured naman si Darren sa kanyang gender identity kaya baka pagtawanan na lang niya ang mga nag-iisip at nagsasabing bading siya. Ano nga namang makukuha niya kung papatulan pa niya ang mga papansin?


Ang mahalaga, ‘yung good influence si Darren at hindi nasasangkot sa mga malisyosong kontrobersiya at scandal, kaya marami pa rin ang humahanga sa kanya, lalo na’t wala naman siyang tinatapakan at sinasaktan, ‘no!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page