Idinamay ng mga netizens… IZA, NAGSORI KAY NADINE SA PANG-AAGAW KAY JAMES DAHIL 'DI MAGAWA NI ISSA
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 20, 2023

Trending na naman sa social media ang paghingi ni Iza Calzado ng sorry kay Nadine Lustre noong panahong nag-break sina Nadine at James Reid.
Nadawit si Iza dahil siya ang itinuturong dahilan kaya nasira raw ang relasyon ng JaDine.
May mga nang-bash pa nang todo sa aktres at nakatanggap na rin daw siya ng hindi magagandang salita.
Ang siste, hindi naman pala si Iza Calzado ang tinutukoy ng mga bashers kundi si Issa Pressman na ngayon ay lantaran na nga ang relasyon kay James Reid.
Magkapangalan lang pala ang dalawa pero magkaiba ng spelling ang name.
Ipinost ng @Kowalerts ang throwback video nina Nadine at Iza nu'ng 2020.
Ani sa throwback video, "Ang nakakatuwang biruan nina Iza Calzado at Nadine Lustre sa Facebook Live ni Tim Yap noong April 2020."
Saad ni Iza sa video, "Nadine, I'm sorry for stealing James... Charrrr!"
Sagot naman ni Nadine, "Wrong Issa."
Ang tapang nga raw ni Nadine noon.
Anyway, kahit ginawang joke noon si Iza, never naman daw niyang pinatulan ang isyu ng JaDine.
Komento ng mga netizens, "Kasi nga, nadamay noon si Iza sa issue nina James-Issa-Nadine kasi medyo magkatunog ang name ni Iza kay Issa and people are tagging her, hahahah! Since nadamay na siya, siya na lang ang nag-sorry, haha!"
Ani ng isa, "Hindi lang tagging, may nag-DM pa."
"Mga Pinoy naman kasi talaga, ang hilig mandamay na hindi naman involved. Kapangalan lang, iba-bash na agad. Myghad,” saad naman ng isang fan.
Dagdag pa ng isa, "May video ring lumabas, tinanong ni Nadine sina Carmina (Villarroel) and friends kung paano malalaman na trustworthy ang friends. Kasi 'yung dati raw n’yang friends, may something na ginawa or sinabi raw behind her back. Based on what Nadine said, parang she got betrayed nga by her friends multiple times na."
"Sa tingin ko, mahal pa rin ni Nadine si James that time kaya hindi niya nakayang sabihin ang totoong nararamdaman niya. Impossible na halos maghalikan sa likuran mo na wala kang maramdaman na kakaiba. Kahit close friend, dapat may limit sa galawan. Hindi rin nakaya ni Nadine na umalis sa circle ni James kahit break na sila. Noong nagka-boyfriend na siya, du'n na lang siya humiwalay nang tuluyan sa circle ni James."
Komento ng iba, "2020 pa ‘tong video, nag-resurface lang dahil sa pag-amin nina James at Issa.
Nu'ng cheating issue way back 2020, may mga tao na si Iza Calzado ang itina-tag instead of Issa Pressman."
"Haha, kenkoy talaga ‘yang si Iza. Classy ang hitsura but she's kalog in real life, nakakatuwa," hirit pa ng isa.





Comments