Idinaan na lang sa dasal kay Lord… ROMNICK: MGA LIDER SA ‘PINAS, WALANG MORAL, WALANG HIYA AT WALANG KAKAYAHAN
- BULGAR

- Oct 12
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | October 12, 2025

Photo: Romnick Sarmenta / File
Sa kanyang post sa X (dating Twitter), marami ang nakisimpatya kay Romnick Sarmenta nang magbigay siya ng mga pahayag ukol sa napakahabang credits sa pelikula at iniugnay ito sa mga isyu sa hearing sa bansa.
Ayon sa aktor, “Minsan, may nagtatanong, bakit napakahaba ng credits sa pelikula? Dahil para makilala (ang) mga naghirap sa pagbuo nito.
“Dapat sa hearing, ganu’n din. Para makilala lahat ng nagsitanggap ng mga maleta. Let the credits roll.”
Sinundan pa ng post na, “Mas nakakabilib para sa akin ‘yung magsasabing, ‘Yes, I received kickbacks and percentages, your honor. Sabi po kasi sa akin, ganu’n daw talaga, eh.’ ‘Sino’ng nagsabi sa ‘yo n’yan?’ ‘S’ya po. (Sabay banggit ng pangalan at turo sa nagturo)’. Mas may pag-asa pang mabuo (ang) pagkatao.”
May post din si Romnick tungkol sa nangyaring sunud-sunod na lindol.
Aniya, “Lord, bless your people. In Davao, in Malate, in Cebu, in Batangas... in the entire archipelago of the Philippines. Because those that lord it over us, are all inept.”
Isa pang post, “More and more, we see who has integrity, and who has none. Ang malungkot, maraming wala, walang integrity, walang moral compass, walang hiya, walang laman, at walang hanggan ang kabuktutan.”
Dugtong pa niya, “It is a clear game of chess... one side trying to outmaneuver the other... The sad part is that the board, these pawns made up of senators, congressmen and contractors, are the Filipino people—left to witness the game without any power to change it. Kailan pa?”
At isa pa, “‘Wag kayong naniniwala sa may mga personal agenda at companies na may sabit. ‘Di ako pala-mention ng pangalan... pero naniniwala ako kay Senator Risa Hontiveros, ha... hindi ru’n sa iba.”
Well, paniguradong marami na namang netizens ang magagalit sa aktor. Hahaha!
MASAYA sigurong manood ng premiere night at mall shows ng cast ng Love You So Bad (LYSB), isa sa 8 official entries sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF), dahil siguradong hanggang doon, magpupuksaan ang mga fans nina Will Ashley at Dustin Yu.
Ngayon pa lang, nagpupuksaan na ang mga fans ng dalawang aktor. Isyu sa kanila kung sino ang mas magaling kina Will at Dustin. Isyu rin na ngayon pa lang may mga pelikula si Will kahit 11 years na sa showbiz, kumpara kay Dustin na bago pa lang, pero may pelikula na’t may acting award pa raw.
Tamang-tama naman ang panalong Best Supporting Actor ni Will sa Manila Film Critics Circle Awards para sa Balota. Proud din ang mga fans ng aktor na dalawa ang entries niya sa MMFF dahil isa rin siya sa mga bida sa Bar Boys: After School (BBAS).
Hoping ang mga netizens na itong ingay ng mga fans ay maging kapalit ng pagiging box-office hit ng LYSB. Patunayan daw ng mga fans nina Will, Dustin at Bianca de Vera na kaya nilang magpa-box office hit.
Si Mae Cruz-Alviar ang director ng movie na collab ng Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment, malalaking puwersa sa film industry.
Samantala, expected na magbibilangan ng eksena ang mga fans at pag-aawayan kung sino ang mas marami kina Will Ashley at Dustin Yu. Malaking isyu rin tiyak kung kanino mapupunta ang karakter ni Bianca de Vera sa ending. Kantiyawan ito, panigurado, ibang gulo na naman.
‘Di pa raw nakuntento…
YASSI, IMBES GUMANDA, MAS CHUMAKA
HINIHINTAY ang sagot ni Yassi Pressman sa balitang nagparetoke siya ng mukha. Aaminin ba ng aktres o ano kaya ang kanyang isasagot?
Pinagtabi ng mga netizens ang photos ni Yassi, ang before and after daw ipaayos nito ang kanyang mukha at lahat ay nagsasabing mas maganda siya bago nagparetoke.
Tanong nga ng mga netizens, kung totoo mang nagparetoke si Yassi, gusto nilang malaman kung bakit. Maganda na raw siya, bakit ipinabago pa ang kanyang mukha?
Hindi magkasundo ang mga netizens kung ano ang ipinaayos ni Yassi sa kanyang mukha, binubusisi pa nila.
May nagsabing ang ilong nito ang ipinabago, may nagsabi namang mata, at may naniniwalang ang lips nito ang ipinagalaw. Pero puwedeng lip filler lang at si Yassi Pressman lang ang nakakaalam.
Naku, magagalit nito si Dina Bonnevie, magko-comment na naman na pare-pareho na ng hitsura ang mga artistang nagpapaayos ng mukha.










Comments