Bago magkaroon ng bagong dyowa… GERALD, GUSTO MUNANG MAS MAGING MABUTING TAO
- BULGAR

- 33 minutes ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 4, 2025
Photo: Gerald Anderson - Mars Santos
‘Kaaliw si Gerald Anderson na marinig pa lang ang name ng inyong Ateng Janiz na magtatanong sa kanya, kinakabahan na. Hahaha!!!
Muli naming nakaharap si Gerald kahapon sa Spotlight mediacon ng Star Magic para mag-promote ng kanyang MMFF 2025 entry na Rekonek kung saan bida na siya, co-producer pa ng naturang movie via his production outfit na Third Floor Productions.
Natanong si Gerald ni Tito Eugene Asis kung bukas na ba ang puso niya for another relationship.
Sagot ng guwapo pa ring aktor, sa ngayon daw ay hindi pa muna dahil gusto niyang mas maging better person para sa kanyang susunod na makakarelasyon.
Kaya tinanong namin si Gerald kung ano ba sa tingin niya ang mga kulang o pagkakamaling kailangan niyang i-improve para mas maging mabuting tao pa.
Sagot naman niya, “Opo, pero ‘di ko na ise-share kasi personal ko na ‘yun, eh.
Napakaimportante sa akin niyan. Hindi ko man mai-share sa inyo but of course, marami pang kailangang i-improve as a person.
“‘Yung hindi n'yo nakikita behind the camera, wala namang perpektong tao, eh. But there's so much na kailangan ko pang matutunan and be a better person.”
At kung anuman daw ang mga kailangang baguhin ni Gerald, ibalato na lang natin sa kanya dahil personal na nga niya ‘yun.
Tinanong din namin siya kung handa na bang maging malamig ang Pasko niya ngayong umamin na siyang single na.
Natawa kami nang hitsurang magwo-walkout na si Gerald dahil tumalikod pero bumalik at ang sagot, “Masaya ang Pasko ko ngayon, promise.”
Oh, ‘yun naman pala, Julia Barretto. Hehe!
Masaya si Gerald dahil isa nga ang Rekonek sa mga entries sa MMFF 2025 na showing na on Dec. 25 in all cinemas nationwide.
First project together as love team nina Angelina Cruz at Robbie Jaworski ang The Alibi series sa Prime video na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
However, ‘di naman naging mahirap para sa dalawa ang makabuo ng chemistry dahil sabi ni Robbie, generous si Angelina as co-actor at nakasuporta ito sa mga scenes nila, at nagustuhan din daw niya ang pagiging humorous nito.
Mabilis silang nagkasundo dahil pareho silang passionate sa work, inglesero at malinaw sa kanila ang goal nila na bigyan ng priority ang career.
Kaya naman nu'ng tinanong namin si Robbie kung paano niya kinakaya na ‘di ma-fall kay Angelina kahit pa madalas silang magkasama sa mga tapings ng The Alibi, sagot ng anak nina Mikee Cojuangco at Dudut Jaworski, malinaw sa kanya ang boundaries na iba ang personal sa professional career.
At kahit si Angelina, ganu'n din ang mindset, career daw ang priority at hindi love life.
Kaya naman nang tinanong namin kung totoo bang pinagseselosan na raw siya ng GF ni Robbie na si Magui Ford, younger sister ni Daniel Padilla at anak ni Karla Estrada, sagot ng anak ni Sunshine Cruz, “Huh? I don't think that's true naman po because we're still very professional.”
Dagdag niya, “I know Magui. My mom's actually a best friend of Tita Karla and you know, it's all professional.”
Samantala, nakakatuwa ang kuwento ni Angelina na dinala raw siya ni Robbie sa office ng Daddy Dudut nito para mag-training ng kanyang Tagalog.
Inglesera kasi si Angelina, eh, kailangan sa role niya sa The Alibi, jologs at astig, kaya ayun, tinulungan siya ni Robbie na matutong mag-Tagalog at bawal daw siyang kausapin sa Ingles ng mga staff ng daddy ng aktor.
Samantala, looking forward pareho sina Angelina at Robbie na mas tangkilikin pa ng mga fans ang kanilang love team sa The Alibi at marami pang projects ang dumating.
ISA pang masayang-masaya ngayon ay si Harvey Bautista dahil kapapanalo nga lang niyang Movie Supporting Actor sa 41st Star Awards ng PMPC para sa pelikulang Pushcart Tales na isa sa mga entries noon sa Puregold CinePanalo Film Festival.
At the age of 22, nakakatuwa na may ganito nang achievement at pagkilala si Harvey na umagaw din naman ng atensiyon ng manonood sa TV series na High Street at sa mga pelikulang Blue Room, Friendly Fire at The Four Bad Boys and Me.
Kaya kinantiyawan namin siya after tumanggap ng kanyang award kung nararamdaman ba niyang mas magaling na siyang aktor kesa sa amang si ex-Mayor Herbert Bautista.
Pabiro namang sagot nito, “Oo naman,” sabay tawa at dugtong na ang award niya ngayon ang patunay dito.
But kidding aside, very supportive raw talaga ang kanyang Daddy Bistek at Mommy Tates Gana sa lahat ng mga pangarap niya sa buhay.
No wonder, happy guy si Harvey at sa nakikita namin sa kanya, more good roles pa, magiging Best Actor din siya someday.
Ang dream daw niyang makasama sa movie… well, ang idol din naming nag-iisang Star for All Seasons Vilma Santos-Recto!
Bongga!!! Congrats, Harvey Bautista!












Comments