ICE, IDINISPLEY ANG KATAWAN, IKINALAT NI SYLVIA SA SOCMED
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 19, 2022

Tawang-tawa si Sylvia Sanchez sa ilang photos ni Ice Seguerra na kanyang in-upload sa kanyang Instagram account.
Birthday kasi ng singer kaya naghanap ng pictures ang mahusay na aktres na never pa yatang naibahagi ni Ice sa kanyang social media.
Makikita sa mga photos na ibinahagi ni Sylvia ang hitsura ni Ice na naka-sando lang at labas ang mga braso na tadtad ng tattoo.
Kapansin-pansin din sa isang picture na wala nang umbok ang boobs ni Ice, flat na ito kaya mukha na talaga siyang lalaking-lalaki.
Ang caption ni Ibyang sa mga larawan: "Bwahahahaha akala mo ha! Sexyyyy!!! Woot...
wootttt.
Happy, happy Birthday 'Nak. Hahahaha love you @iceseguerra Asawa mo @lizadino isali ko sa Mr. Universe, hahahaha! Piktyuran mo pa ako tuwing natutulog ako, sige lang! Dami ko ding nakatagong pictures mo!!! Mas matindi pa d'yan, hahahaha! Happy birthdayyyyy.
Hahahaha."
O, 'di ba? Niresbakan ni Sylvia ang mister ng dating FDCP chairwoman na si Liza Diño, ayon sa isinulat niyang caption sa mga larawan ni Ice.
Kung matatandaan kasi, naglabas din noon si Ice sa kanyang IG account ng picture ng ina-inahang si Sylvia habang natutulog ito sa sofa.
Pero ganyan lang naman kung magmahalan ang dalawa. Laglagan lang ang peg, pero hindi naman sila napipikon sa isa't isa.
Eh, 'di ba, may kasabihan na ang pikon ay talo?





Comments